Edward's POV
Tumirik ang kotseng sinasakyan ko sa harapan ng isang gusali. Dumungaw ako mula sa tinted na salamin at nakita ko ang ilan reporters na naghihintay sa pagdating ko. Para tuloy ayoko ng lumabas at salubungin sila. Alam ko na kung ano ang mga itatanong nila. Tungkol iyon sa pakikipag deborsyo ko kay Diana.
It's been almost 3 months simula ng mahuli ko syang may ibang kasiping sa mismong kwarto pa namin mag asawa. Akala ko panay paninira lang ang sinasabi ng mga kaibigan ko sa akin tungkol sa kanya. Hindi ko akalain na mahuhuli ko sya mismo sa sarili kong mga mata.
We were the most popular couple 2 years ago, si Diana ay isang sikat na artista habang ako isa sa mga top business tycoons sa bansa. And I thought having her was the best thing happened to my life. At hindi ko inaakala na sya din pala ang gagawa ng bahid sa relasyon namin.
Everything was made public.
Dahil yun ang gusto nya. Habang ako gusto ko sana na isapribado ang buhay namin dalawa, but she insisted because she was an actress at sabi nya, gusto ng manager nya na ibroadcast sa buong mundo ang mga nangyayari sa buhay namin. That's why mula sa engagement and up to our wedding were broadcasted live on tv. At hinayaan ko sya sa gusto nya.
Pero ngayon, ako pa ang talo.
I decided to get a divorce. Pero hindi ko inamin sa press ang tunay kong dahilan. Even though I considered what Diana did as a mortal sin. Hindi ko ugaling sirain ang personal nyang buhay that's why nanatiling lihim ang nalalaman ko tungkol sa panlalalake nya.
Pero mapanghusga ang tao.
Dahil sa halip na ako ang tama, ako pa ang ginawan ng kwento.
Everyone thought na ako ang may kabit kaya ako nakikipaghiwalay.
"Sir, okay na po." rinig kong sinabi ng personal body guard ko na si Kayle. Kumatok sya mula sa bintana at pinagbuksan ako ng pinto.
Hinarang ng mga kasamahan nya ang mga nagkakagulong reporter na gustong kumuha ng pahayag ko sa nasabing issue.
Nasisilaw ako sa mga liwanag ng camera. Humihigpit ang paghinga ko at para bang anytime sasabog nanaman ako sa galit.
"Dito po Sir." wika ni Kayle habang nasa gilid ko sya at sabay kaming lumalakad patungo sa lobby. Sinuot ko ang itim kong salamin para maiwasan ang mga titig ng mga empleyado na sinusundan ako ng tingin. Bumukas ang elevator at agad akong sumakay. Sumunod si Kayle na tumayo sa likuran ko. At nang magsara ang pinto. Nakahinga ako ng maluwag. Niluwagan ko ang pagkakatali ng neck tie sa leeg ko.
"Nasa office nyo daw po si Ms. Elynor." wika ni Kayle na nasa likuran ko. Its my sister. Alam ko na umabot na sa kanya ang bali balita. At alam ko na pag uusapan namin ay tungkol dito.
Matanda na ako para sermunan nya pero dahil sya lang ngayon ang tangi kong pamilya, wala akong magagawa kundi makinig sa kanya. She's one of the people I know na nagsasabing may ginagawang mali si Diana. Pero hindi ako naniwala sa mismong kapatid ko. At ngayon sumampal sa akin ang katotohanan na tama sila.
Bumukas ang pinto at agad akong nagsimulang lumakad patungo sa opisina ko. Normal ang takbo sa opisina. Tumatanggap ng mga tawag si Gian na HR Admin, habang si Lina naman, inaayos ang mga paperworks na pipirmahan ko. Alam nila ang nangyari sa akin pero alam din nila ang totoo. Kung sino ba ang tunay na nagloko.
Naiwan si Kayle sa labas ng opisina. Pagbukas ko ng pintuan, bumungad sa akin ang kapatid ko na nakaupo sa ibabaw ng table ko habang naka ekis ang mga hita.
Elynor is a fashion designer. She's four years younger than me. Pero para sa amin, sya ang panganay at ako ang bunso.
Hinubad ko ang neck tie ko at sinampay sa sandalan ng office chair ko."Why are you here? May trabaho ako." agad kong tanong sa kanya.
BINABASA MO ANG
Wildest Temptation - BoysLove √
RomanceEdward was every woman's dream guy. Gwapo, mayaman, matalino at mabait. Pero nagawa pa din syang pagtaksilan ng asawa. He saw his wife making out with another man. He vowed to never trust and love again after what happened to his wife. Pakiramdam...
