18

1.9K 89 6
                                    


Edward's POV

Parang nalalaglag ang mga mata ko habang nakatuon ang pansin sa kaharap kong laptop. Maaga ako nagising para ihatid si Dylan sa House of Noir para sa ensayo nila. Tanghali na kami muling makakapagkita pero pakiramdam ko napakatagal ng takbo ng oras.

Pumasok si Lina at hindi na kumatok pa. May dala siyang folder na naglalaman ng reports for the month of October. Paglapag niya sa mesa ko ay agad naglabas siya ng notebook kung saan niya sinusulat ang schedules ko this next week. Binigyan ko siya noon ng personal Ipad para doon nalang irecord lahat pero mas gusto pa niya ang nagsusulat.

"Sir, may meeting po kayo with Mr. Alejo para sa Divine Heart expansion. Sa darating na Wednesday po." wika niya while flipping the pages of her notebook.

"I know." sagot ko sa matamlay na tono. Wala pa ako sa kondisyon puntahan ang mga meetings na yon. Mas pinoproblema ko ang ilan araw na hindi ko makikita si Dylan and how will I survive.

"Sir!"

"Sir Edward!" nagulat ako sa sigaw ni Lina. Lumingon ako sa kaniya at nakataas na ang isang kilay niya.

"Nakikinig po ba kayo sa akin? Natulog ba kayo Sir?" sunod sunod niyang tanong. Napakamot ako sa ulo ko. Pinag iisipan ko kung ano ang isasagot ko.

"I am..?" sagot kong patanong din.

Umiling iling siya na parang dismayado sa sinabi ko.

"Nako. Sir. Magpahinga po kayo. If you'll gonna meet some investors, you should be in a good shape." paliwanag niya habang hawak pa din ang notebook niya.

Tumango tango nalang ako. Matapos non ay iniwan niya na ako. Nanatili ako sa matamlay kong posisyon.

Nagliwanag ang phone ko na nasa tabi ko. Nag appear ang isang hindi pamilyar na numero. Nagtaka ako kaya't binuksan ko ang message nito.

Laking gulat ko nang mabasa ang nilalaman nito.

"She's here." wika ko sa aking sarili. Dumagdag pa ito sa iisipin ko. Binaba ko ang phone at pinilit kong tumayo para puntahan si Lina. Kailangan ko magpaset ng meeting sa kaniya mamayang gabi. 

Alam ko na muli kaming magkikita ni Diana. Nakakahiya naman kung hindi ko kakausapin si Tita Lucia. Labas siya sa mga away namin ng anak niya.

"Sir, nagpareserved na po ako ng dinner sa Luminous for 7:00 of the evening." paalala ni Lina sa akin.

"Okay. Then tumawag ka sa bahay at utusan mo si Manang to prepare a suit. Pakidala nalang dito." pagpapatuloy ko. Kinuha ko ang phone at sinimulan kong magcompose ng text para kay Dylan.

Hindi ako makakauwi ng maaga at masusundo siya dahil kailangan kong makipagkita kay Tita Lucia.

Mabilis akong nakatanggap agad ng reply sa kaniya.

Okay. Ingat ka and text me kung pauwi kana.

Nangiti ako habang binabasa ang text niya. He sound like a girlfriend. No.. a boyfriend? Its still weird na marinig ko sa sarili ko that I have a boyfriend. Parang kailan lang naalala ko ay straight akong lalake.

Siguro totoo ang sinasabi nila na walang pinipili ang pagmamahal.
Bigla kana lang mapupunta sa posisyon kung saan kailangan mong mamili and yet you'll gonna choose to love no matter what may people think of you.

Love is crazy.

--

"Sir?" sumilip si Lina mula sa pinto ng opisina ko. Dalawang oras bago mag alas-siete ng gabi. Dumating na din ang pinahanda kong damit kay Manang.
Tumigil ako sa ginagawa at tinanaw siya.

Wildest Temptation - BoysLove √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon