Dylan's POV
Patakbo akong nagtungo sa classroom kung saan kami magkaklase. Nakasabit sa balikat ko ang bagpack na dala ko at isang malaking sketchpad na hawak ko.
Nahuli ako sa pag gising kaya minadali ko nalang ang pagligo at pagbyahe.
Pagbukas ko ng pintuan, nakita ko sina Patty na nagkukwentuhan. Nakahinga ako ng maluwag at hindi ako nahuli ng Prof namin. Binaba ko ang gamit ko sa desk kung saan ako madalas nakaupo.
"Dylan, may program mamaya kaya wala tayong klase." wika ni Patty. Lumingon ako sa kanya.
"Ha!" gulat ko. Napagod ako sa pagtakbo kanina at pagmamadali tapos wala palang klase. Sumandal ako sa malamig na sandalan ng upuan ko.
"Hindi ko ba naitext sayo?" tanong nya at dahan dahan akong umiling. Nakalimutan nya siguro.
"So wala tayong klase. Ganon ba yon? Bakit pa kayo nandito?" May inis sa tono ko.
Lumapit sya ng bahagya sa akin para bumulong. Hinawakan nya ang tenga ko at sandaling nagmasid sa paligid.
"Narinig kasi namin sa Dean kanina na pupunta si Mr. Edward dito para magbigay ng talk sa mga Entrepreneur Majors." nagulat ako sa sinabi nya. Bigla akong nanlambot at sa isang banda nakaramdam ng excitement na muli kong makikita ang taong yun.
Hinawakan ko ang dibdib ko. It's beating fast. Dahil ba ito sa pagtakbo ko kanina?
"Talaga?" paghinahon ko. Kunwari hindi ako nagulat at hindi dapat ako magpakita ng kagalakan.
"Oo. Let's meet up with him." Tumingin ako sa kanya. Hindi ata magandang ideya yon.
"He's here for a talk and he's a guest." pagkatwiran ko.
"I know he's definitely excited to see you again." namula ako sa sinabi ni Patty. Hinawakan ko ang pisngi kong nag iinit. I never thought I'll felt this kind of rush again. I mean, oo. Nagkagusto ako kay Mia pero yun ganitong nakakalokong pakiramdam ay sa tao na yon ko lang nararanasan.
"Sige na. Puntahan natin sya mamaya. He needs company." pagpupumilit ni Patty. Hinawakan nya ako ng mahigpit sa braso ko at ibig sabihin non wala na akong kawala at kailangan ko ng pumayag.
Ayon sa narinig ni Patty. Around noon dadating si Edward sa school para umattend as guest speaker sa isang seminar para sa mga graduating batch. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam ang gagawin at ayos ng itsura ko.
"Sure ka ba na dadating sya?" pangungulit ko sa kaibigan. Isang oras na kaming naghihintay sa labas ng Hostel. Malapit na din magsimula ang seminar.
"Dylan, nandito kayo!" nagulat ako ng marinig ang kaschoolmate namin na si Mira. Isa syang Entrepreneur Major at kasama sya sa mga aattend ng nasabing programa.
"Manonood sana kami." wika ni Patty nang di lumilingon kay Mira. Inaabangan nya kasi ang kotse ni Edward.
"Really. Sumabay na kayo sa akin." pag alok nya. Gusto ko na sana sumabay pero naalala ko na hinihintay namin si Edward.
"Okay lang. Salamat Mira. May hinihintay kami." I replied. Ngumiti lang sya at nagpaalam matapos ko syang tanggihan.
"DYLAN!" nagulat ako sa pagsigaw ni Patty. I almost saw Edward's car. Paparating na sya at patungo sa direksyon namin.
BINABASA MO ANG
Wildest Temptation - BoysLove √
RomanceEdward was every woman's dream guy. Gwapo, mayaman, matalino at mabait. Pero nagawa pa din syang pagtaksilan ng asawa. He saw his wife making out with another man. He vowed to never trust and love again after what happened to his wife. Pakiramdam...
