Alas otso ng gabi kami umalis ni Dylan ng unit niya. Ihahatid ko siya sa airport at doon ay makakasama na niya ang kapatid ko. Bitbit ko sa kamay ko ang maleta niya habang nauuna siyang naglalakad at hawak ang hand carry niya. I wore a Gamossa jacket habang siya ay naka brown hoody at nakasuot ng itim na salamin.
Gusto kong hawakan ang kamay niya habang naglalakad kami, pero dahil sa maari nanaman may makakita sa amin. Kailangan kong tiisin ang kasabikan mahagkan siya eventhough alam kong wala siya sa tabi ko sa mga susunod na araw.
"Wait for me here, Edward." he stopped at binaba sa maletang hawak ko ang handcarry niya. May nakita kasi siyang kakilala na kasamahan din nilang modelo. Sabay sabay sila sa iisang schedule of flight. Nanatili ako sa kinatatayuan ko at pinagmamasdan lang siya sa kausap niya.
"Edward?" nagulat ako nang marinig ang isang pamilyar na tinig sa likuran ko. Then I just stared at her for a moment. Para kasi akong nakakita ng multo.
"Tita Lucia?" I just said. Ngumiti siya habang ako ay hindi alam ang sasabihin. How come she's here? Pabalik na ba siya ng States? What if kasama niya si Diana? Malaking gulo to.
"Hey, you look nervous? Okay ka lang?" natatawa niyang sinabi. Hindi ko alam ang gagawin ko. Mamaya papalapit na pala si Dylan. I don't know how will I explain to Tita that I'm with a young man.
"W-Why a-are you here? Flight niyo na po?" naitanong ko. Umiling siya.
"May sinusundo lang ako na kaibigan. How about you? Are you going overseas? May maleta kang dala?" hinawakan kong mabuti ang maleta ni Dylan.
I chuckled.
"Yeah. Um.. Mamaya nga po aalis na ako." pag alibay ko so we can part ways. Or else magkakaroon pa siya ng dahilan para magtagal.
"Ganun ba. Okay. Aalis na din ako. Ingat ka sa byahe mo." she just smiled bago naunang umalis. Nakahinga ako ng maluwag. Para bang sasabog na ang dibdib ko kanina. I'm not good at lying. For sure magtataka pa yon. Salamat nalang at she didn't care to ask more.
I sighed. Then Dylan was just at my back kasabay ang isang kasamahan.
"This is Aldrin, my friend-
He stopped nang makita akong tulala. Hindi pa kasi nawawala ang nerbyos ko nang makita si Tita Lucia.
"Are you okay?" inabot niya ang noo ko at doon nilapag ang palad niya. Hinawakan ko ang kamay niya at dahan dahan hinalikan yon. I don't want him to leave.
"Please just stay here." I whispered. Nakatingin lang siya sa akin. I knew I couldn't stop him. Masaya siya sa modelling kaya lang kinakabahan talaga ako sa pag alis niya. I can't ruin his dreams. Pero iba ang kutob ko.
Nawala ako sa iniisip ko when I saw Ely. May hatak siyang maleta at isang hand carry sa braso niya. Habang si Dylan kausap ang isang kaibigan. Sinubukan kong makalapit sa kapatid ko, pero kasabay non ang paglapit sa kaniya ng mga makakasama niya sa pag alis. Gusto ko magmakaawa sa kaniyang huwag na niyang isama si Dylan, pero mukhang huli na ang lahat.
I sighed.
Then I saw someone again from afar. Its like hiding from its shadows. May sumusunod ba sa akin? Sa amin? Kay Dylan?
"Edward." Nagulat ako when Dylan grabbed my hand. Hinila na niya ako papuntang lobby para doon maghintay. Nanlalamig na ang kamay ko pero hindi iyon nararamdaman ni Dylan dahil siguro malamig din ang paligid namin. At sa dami ng tao ngayon sa airport, walang maniniwala sa akin may sumusunod sa amin.
Ilan oras nalang ang nalalabi bago ang lipad nila papuntang Paris. Mula bukas ay magbibilang ako ng isang linggo hanggang sa makabalik siya. Hindi ko din alam kung kakayanin ko bang umattend ng hearing bukas. Diana is unstoppable. And I should be aware of it.
BINABASA MO ANG
Wildest Temptation - BoysLove √
RomanceEdward was every woman's dream guy. Gwapo, mayaman, matalino at mabait. Pero nagawa pa din syang pagtaksilan ng asawa. He saw his wife making out with another man. He vowed to never trust and love again after what happened to his wife. Pakiramdam...