Hunyo, 2018
Nagtatakbuhan ang mga estudyante sa corridor habang ang iba ay papasok sa mga kaniya kaniya nilang klase. Unang buwan ng pagsisimula ng school year kaya abala hindi lang ang mga guro kundi ang mga kabataan papasok ng unang taon sa kolehiyo.
"Hoy! Grae, bilisan mo. Baka gusto mong bilisan lumakad." inis na sinabi ni Brent sa kaibigan. Unang araw nila sa Unibersidad ng Sto Tomas bilang mga freshman. Magkaiba sila ng kursong kinuha pero magkaklase sila sa ibang minor subjects tulad ng Literature at Algebra.
"Wait, kaya. Ineexplore ko pa ang school. First time ko dito eh." sagot ng binata at ngumisi siya. Brent sighed. Pasaway talaga ang kaibigan niya. Ilan beses na kasi silang na-late dahil sa kacoolness na ginagawa ni Grae na magpahuli sa klase..
"Nako, bahala ka diyan." galit na sinabi ni Brent at iniwan ang kaibigan. Hindi pa rin nag-atubiling magmadali si Grae. Masiyadong OA lang ang kaibigan niya. May sampung minuto pa sila bago magsimula ang Literature Class nila.
"I'd like to call, Narumi Fujiwara to introduce yourself here." huminto siya sa paglalakad nang marinig ang isang Professor sa kabilang room. She's calling a student to introduce himself in front of the class. Tumigil siya at doon tumayo sa harapan ng pinto.
Nakita niya ang isang maliit na binata. Nakayuko ito sa harapan ng mga kaklase. Nahihiya siguro siya. His bangs is covering his eyebrows. He looks like a nerd.
"I-I a-am Narumi.. Nice to meet you all." nauutal siya sa pagsasalita. Napukaw ng atensyon ni Grae ang mga kamay niya. He is wearing gloves? Inside the class? Pero bakit?
He's still waiting for the class to asked na bakit siya nakasuot ng gloves. But then, someone grabbed his arm.
"Hoy! Spaced out around hallway! Pumasok na tayo!" nagulat siya nang marinig ang tinig ni Brent. Hinila siya nito papalayo sa classroom. He still confused of that guy, Narumi.
But one thing is for sure, he wants to know more about this weird guy, Narumi.
****
Abangan ang next story sa Boy's Love Series.
Narumi and Grae's story.
💚💚💚
BINABASA MO ANG
Wildest Temptation - BoysLove √
RomantiekEdward was every woman's dream guy. Gwapo, mayaman, matalino at mabait. Pero nagawa pa din syang pagtaksilan ng asawa. He saw his wife making out with another man. He vowed to never trust and love again after what happened to his wife. Pakiramdam...