14

2.3K 118 3
                                    

Dylan's POV

Nakakapanibago ang pakiramdam na may taong nagmamahal sayo. At hindi lang iyong pagmamahal kundi may kasamang pagtitiwala. And I never thought Edward was the one who would make me feel special again..

"Nako. You're blushing while thinking of him." nagulat ako sa sinabi ni Patty. Nasa tabi ko na sya at dala ang mga librong hiniram nya sa Librarian. Nasa loob kami ngayon ng library. And we're doing a research for the upcoming thesis.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko.

"You're guilty." pang aasar nya.

"I am not!" sigaw ko sa kanya at pinagtinginan kami ng mga estudyante.

"Quiet!" sigaw ng Librarian sa amin. Natahimik kaming dalawa ni Patty. Pero hindi pa din sya tumitigil sa pang aasar sa akin.

"So, is it official? I mean are both of you are now in a relationship?" bulong nya sa akin nang magsimula na kami sa pagbuklat ng mga libro.

Umiling ako.

"Hindi pa kayo?" muling nagtaas ang tono nya at mabilis kong tinakpan ang bibig nya.

"Oo. Hindi pa kami. Wag ka maingay." bulong ko sa kanya habang palingon lingon ako sa paligid.

"Why? Did you tell him that you like him too." dahan dahan akong umiling. He just confessed pero ako hindi pa. I just agreed with what he wants.

"My god. Dapat sinabi mo na din. Edi sana kayo na." she said disappointed.

"We're still trying to figure out how to live in this kind of situation. Isipin mo we're both men. At tingin ng tao sa kanya ay isang lalake. If someone knew about my relationship with him. Alam ko ikakasira nya ito." malungkot kong sinabi.

"So what are you trying to do about it?"

"I dressed like a girl while being with him. Para walang makapagsabi that he is dating a man." wika ko. Ngumiti si Patty sa akin. Nagtaka ako.

"Why?"

"I've never seen you like that. You're protecting Edward. Noon, it doesn't matter kung nagsusuot ka ng girls clothes kahit alam mong may girlfriend ka. I know that was selfish. And you were being selfish. Tapos ngayon, you talk like that. Trying to protect someone even if it costs you."

Namula ang mga pisngi ko.

"Is that love?" nahihiya kong tanong.

"I guess so. That is love." ngumiti kami sa isat isa. Matapos namin gawin ang ilan research. Tumuloy kami sa susunod na klase.

--

"Dylan. Your phone is vibrating." bulong sa akin ni Joseph habang magkatabi kami sa upuan. Nasa kabilang mesa si Patty habang kakwentuhan ang kaklase namin si Erica.

Nasa kalagitnaan kami ng aktibidad na pinagawa sa amin ni Sir Alejandro. Hindi ko namalayan na kanina pa nagbavibrate ang phone ko. Pasimple kong sinilip yon at agad sumambulat  sa akin ang pangalan ni Edward. I got excited ng makita ang message nya. Binuksan ko iyon.

Wildest Temptation - BoysLove √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon