Edward's POV
Wala ako sa aking sarili habang kasalukuyan akong nakaharap sa Board of Directors. Nasa harapan ng isang projector si Enrico ang Head of Finance ko na nagsasalita tungkol sa pagtaas ng sales para sa nakaraan buwan. Tahimik ang lahat na nakikinig sa kaniya, habang ako ay tuliro at nag iisip. Nag iisip kung paano ko poprotektahan si Dylan kay Diana. If she knew that I was actually dating a guy. Everything will be ruined. Everything, including Dylan's life at lahat ng mga pinaghirapan ko. Mawawala sila na parang bula sa isang iglap.
"Mr. Kirsch? Mr. Kirsch..." nagulat ako sa tinig na paulit ulit kong nadidinig. Aksidente ko tuloy natabig ang goblet ng kanan kamay ko at bumagsak ito. Naglikha ito ng ingay sa loob ng meeting room at lahat ay nakatingin sa akin. Puzzled and confused. I tried to pick up the broken pieces.
"Are you okay, Edward?" Tanong ni Mrs. Enriquez na nakaupo sa kaliwa ko. Tumango tango ako na para bang wala akong alam sa nangyayari. Then Lina my secretary grabbed my wrist and wrapped it with a handkerchief. She looked at me worried at saka ko lang napansin ang sugat sa kamay ko.
Sandaling tumigil ang meeting, dahil sa nangyari. Dinala agad ako ni Lina sa clinic habang nakasunod sa kaniya si Ivan.
"What just happened?" sigaw agad ni Ivan sa akin nang iwanan kami ni Lina. Hinawakan ko ang kamay ko na balot ng manipis na tela. Makirot pa din sa loob pero kaya kong tiisin.
"I missed Dylan." wika ko at animo nagpaawa kay Ivan. Bukas ay aalis na siya. At nandito ako sa trabaho at walang ginagawa para makasama siya.
"Bakit mo sa akin sinasabi yan ha!" sigaw niya at binatukan ako. Humawak ako sa ulo ko at nadama ang diin ng ginawa niyang pagbatok. Ganito ba talaga ang taong to, ang CEO ng Golden Tree, binabatok batukan lang niya.
"Ang dapat mo isipin, what will Diana do to ruin you? Mas okay pa na hindi muna kayo magkita ni Dylan." natigilan ako sa sinabi ni Ivan. He has a point.
Hinawakan ko ang kamay ko na may sugat at takip na ng isang band aid.
"Stop acting like a kid, Edward. Kaya ka lutang is because of Diana's presence." he said aggravated. Para akong nauntog sa sinabi niya at naalala ang mga huling salita na binitawan ni Diana. Kulang ay isumpa niya si Dylan. At iba ang takot na ngayo'y bumabalot sa akin.
Madali akong lumisan sa clinic na iyon at bumalik sa opisina ko. Binuksan ko ang drawers at agad dinukot ang cellphone ko. Pinindot ko ang number one speed dial ko at lumitaw ang pangalan ni Dylan.
I heard it ringing. Hindi ko na nga inisip kung nasa klase ba si Dylan o nasa House of Noir siya. Ang mahalaga ay masagot niya ang tawag ko.
"Hello?" nagalak ako ng marinig ang tinig niya. Halata pang nagtataka siya sa biglaan tawag ko sa kaniya.
"Why did you call all of a sudden?" sunod pa niya. I want to warn him. Kilala ko si Diana, madumi siya maglaro. And from how she act lately, gagawin niya talaga ang kahit ano.
"Ihahatid kita sa airport bukas ng gabi." matigas kong sinabi. He didn't resist.
"Ah okay. Are you sure? 12 midnight pa ang flight namin. Mapupuyat ka."
Hindi ako sumagot nang sabihin niya iyon. I just wanna make sure he's safe. Ayokong madamay siya sa mga gulo na hindi ko maayos. Ayokong magulo ang buhay niya. All he did was loved me, at ito pa ang isusukli ko.
"I don't mind Dylan. I just wanna see you before you go. I'm gonna miss you." sabi ko bago pa man maputol ang tawag na iyon. Bumuntong hininga ako. I need to fix everything here after Dylan leaves for Paris. At gusto ko pagbalik niya, maayos na ang lahat. Magsasama na kami at iiwanan na namin pareho ang mapanghusgang mundo na ito. Leave and find a place where we can be happy.

BINABASA MO ANG
Wildest Temptation - BoysLove √
Roman d'amourEdward was every woman's dream guy. Gwapo, mayaman, matalino at mabait. Pero nagawa pa din syang pagtaksilan ng asawa. He saw his wife making out with another man. He vowed to never trust and love again after what happened to his wife. Pakiramdam...