15

2.2K 109 1
                                    

Dylan's POV

Nararamdaman ko mula sa likuran ko ang haplos ni Edward. The way he moves his hands makes me tickle.

"Ang bango ng sabon na to." he said curious habang patuloy sa pagpahid ng sabon sa likuran ko. Kasalukuyan kaming nasa Onsen ngayon. Magkatabi kaming nakaupo at sabay na naliligo.

"Paano mo nahanap itong lugar na to?" naisipan kong itanong.

"When I saw you wearing a Kimono, I messaged my secretary to look for a good place to eat with japanese-influenced theme. Tapos isa ito sa mga suggestions nya. And also I like this place so we could relax." ngumiti ako sa narinig. So he is really exerting an effort sa mga dates namin. It made me giggle.

Naramdaman ko ang paglapit nya sa akin ng iusog nya ang inuupuan. I got nervous nang magdikit ang mga balat namin. He is hot. Hindi dahil mainit ang singaw ng paliguan. Pero pakiramdam ko napakainit ng inilalabas ng katawan nya.

"Are you cold?" nagulat ako sa tanong nya. Nilingon ko sya at nagsalubong ang mga ilong namin.

"Sorry!" natawa sya ng bumangga ang ilong nya sa ilong ko.

"Ang tangos kasi nyan." biro ko at lalo syang bumungisngis. He's cute when he's laughing. Lumapit ako ng bahagya sa kanya at saka ko dinampi ang labi ko sa ilong nya. Nabigla sya sa ginawa ko, and so am I. Bigla nalang kasing bumubulong ang isipan ko na, gawin mo ito at gawin mo yan. That's why my body reacts unconsciously.

"You're blushing!" tinuro ko ang mukha nya ng makalayo ako sa kanya. Natawa ako ng bahagya ng makita ang mga pisngi nyang kasing pula ng mansanas.

"Hindi ah!" he said guiltily at mabilis nya akong tinalikuran. Now he's embarassed.

Matapos namin maligo, nagyaya sya sa kwarto namin para kumain. Pagdating namin doon, naka ayos na lahat sa mesa ang mga pagkain inorder nya. Its a complete buffet. Lalo akong nagutom sa nakita. Kaya't mabilis na akong naupo para simulan ang pagkain.

Napansin ko sya na nakaupo lang sa kabilang bahagi ng lamesa. Hawak nya ang isang goblet sa kanan kamay. May laman itong red wine at tila inaalog nya ang baso upang maghalo ito ng kusa.

"Kumain ka na?" yaya ko sa kanya. Umiling sya at tinuon sa akin ang mga mata.

"Sayo palang busog na ako." malambing nyang sinabi. Namula ako sa narinig. Bigla tuloy akong nahiya sa sinabi nya.

"Oh? Ayaw mo ba ang pagkain?" tanong nya nang mapansin tumahimik ako.

"Gusto ko sabay tayong kumain." Nahihiya kong sinabi. Hindi sya nagsalita at bigla nalang syang tumayo at naupo sa tabi ko. Kinuha nya ang isang pares ng chopsticks. At bago yun ay binaba nya ang hawak na goblet.

Naamoy ko mula sa hininga nya ang mabangong alak na iniinom nya. Nalulunod ako dito.

"Its good." wika nya habang kumakain. Kinuha nyang muli ang bote ng wine sa tabi nya at muling nagsalin sa baso nya.

Umilaw ang phone ko sa ibabaw ng mesa. Lumabas ang pangalan ng isa sa mga kaklase ko. Si Drew.

Kinuha ko ang phone at sinilip ang text nya.

Dylan! May notes ka ba sa English Major? Pwede mahiram? Ililibre nalang kita ng burger bukas. Pramis.

Natawa ako sa nabasa. Si Drew ang isa sa malalapit na kaibigan sa akin. Magkaiba kami ng kurso kaya madalang kami magkita. Pero hindi man alam ng iba, matalik ko syang kaibigan.

Wildest Temptation - BoysLove √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon