25

1.5K 77 1
                                    

Nakatitig lang si Dylan sa mahimbing na natutulog na si Edward. Naramdaman niya ang pagod nito after they made love. Wala siyang pinagsisisihan. Kung mayroon man, siguro iyon hindi niya agad pagsasabi ng totoo. Natatakot siya sa sasabihin nila, sa sasabihin ng kinakapatid niya at ng tumayong magulang niya. Hindi na niya kayang bigyan pa sila ng kahihiyan. Pero nang makilala niya si Edward, pakiramdam niya kaya niyang gawin ang lahat. Kaya niyang maging matapang, at kaya niyang lumakad na taas-noo. 

Hinaplos niyang muli ang mukha ng minamahal. He promised to Edward that he will protect him at all cost. At iyon ang gagawin niya ngayon, its time to face his fears.  Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng bag na dala niya kahapon. He dialed Ivan's number.

"Ivan. Its Dylan." panimula niya nang sagutin nito ang tawag niya. Nagulat pa ang binata mula sa kabilang linya. "I'm here at Edward's house."

"Really? He's not mad?" hindi agad sumagot si Dylan. Alam niyang galit si Edward, idinadaan lang niya sa pag-inom.

"I have a message. Please deliver it to Ate Diana." hindi kaagad nakapagsalita si Ivan nang marinig mula kay Dylan ang pangalan ng tumatayo nitong kapatid. If he able to call out Diana's name without hesitation, ibigsabihin lang non ay handa na siyang makipag-usap dito.

****

Dahan dahan dumilat ang mga mata ni Edward nang madama ang init na dumadampi sa balat niya. Hirap siyang bumangon pero pinilit niya, siguro ay dahil sa kalunuran niya sa alak kaya't bumagsak ang katawan niya.

Inabot niya ang long sleeve na nakasampay sa sofa. Wala siyang suot na damit, maliban sa jacket na nakakumot sa kaniya. Hindi na niya matandaan kung ano ang nangyari noon nakaraan gabi. But he remembered what they did. Ipinatong niya sa uluhan ang braso niya. He sniffed the last scent Dylan left. Hindi niya alam kung kailan umalis ang binata. Wala itong paalam at hindi man lang siya ginising. Siguro nga nagkatotoo na ang kinakatakutan niya, that he will never see Dylan again.

"You overslept?" nagulantang siya sa boses na narinig. Nakita niya ang kapatid na naglalakad galing sa kusina. May dala itong tasa ng umuusok na kape.

"When did you get here?" nagtataka niyang tanong. Napailing iling nalang si Elynor. Inilapag niya ang tasa sa kaharap nilang center table at doon naupo sa sofa.

"Dylan told me to come here. Kaya nandito ako. And you were asleep for almost a day, you jerk!" sigaw niya sa kapatid. Nanlaki ang mga mata ni Edward sa narinig. Isang araw pala siyang tulog, he didn't even notice. Sinubukan niyang tumayo at lumipat nang mauupuan. His back still hurts at masakit pa ang ulo niya. Napakamot siya sa batok habang iniisip kung ano ang mga nangyari noon gabi na kasama niya si Dylan.

"Um... Where is... Where is Dylan?" nahihiya pa siyang itanong. Elynor just sighed.

"Hindi ko din alam. We haven't met since the day we arrived here from France." nalungkot si Edward sa narinig. Sinadya siguro talaga ni Dylan na magpakita sa kaniya bago siya umalis. Hindi man lang siya nakapagpaalam.

"Siguro, kung mas nalaman ko lang kaagad sana itinanan ko nalang si Dylan." halos mapabuga sa iniinom si Elynor sa narinig.

"Are you out of your mind? Itatanan talaga. Ano ka binata?" he chuckled.

"Well, as of now. I thought that I could give up everything I have just to be with Dylan." nakangiti niyang sinabi. Hindi makasagot si Elynor sa mga narinig mula sa kapatid. She couldn't believe that Edward can do such a thing just for love. Her brother really has changed for the better. At sana hindi pa huli ang lahat.

****

Dalawang araw ang lumipas mula nang manggaling si Dylan sa bahay ni Edward. Hindi na niya kinontak pa na muli ito. Naisip niyang mas mabuting wala silang komunikasyon lalo at maraming paparazzi ang umaaligid kay Edward.

Wildest Temptation - BoysLove √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon