Nasa harap ako ng pinto ng unit ni Dylan. Few hours ago, nasa opisina pa ako at nagtatrabaho then suddenly decided to go here just to see him, pero heto ako ngayon at natatakot kumatok.
"I guess I shouldn't be here." I said to myself at tumalikod na. Bigla ba naman bumukas ang pinto.
"Edward?" nagulat ako sa nagsalita. I saw Dylan.
"Nandyan ka pala? Bakit hindi ka kumatok?" Kumamot ako sa batok ko. Hindi ko alam paano magsasalita.
"Ah. Busy ka?" umiling sya at pagkaraa'y ibinuka nya ang pinto para makapasok ako.
Sumilip ako sa loob, its a comfortable space for two, o para sa nag iisang tao na nakatira. May veranda sa sala exposing the city lights, sala na medyo maliit yet cozy naman. May kusina sya and a small dining table. May tatlong pinto sa kanan bahagi, I guess that's his room, the bathroom, and some random closet.
"Sorry ha. Medyo makalat." pinulot nya ang isang papel sa lapag. Napansin ko ang mga sketches nya sa isang nakaladlad na sketchpad.
"Nag iisa ka lang talaga dito?" muli kong tanong. Tumango sya. At nagtungo sya sa kusina para maghanda ng makakain namin.
"Mag isa lang din ako sa bahay." wika ko habang hindi tumitigil ang mga mata ko sa paglilibot.
"Hiwalay na ba kayo ng asawa mo?" he asked at sinampa ko ang dalawa kong binti sa malambot na sofa.
Nag isip ako bago sumagot.
"Yeah. Pero its still processing." binaba nya ang isang tray sa mesa. May orange juice at ilan sweet pastries.
"Sorry.. Mahirap siguro pinagdadaanan mo." he said. Umiling ako.
"Mas mahirap kung hindi ko sya nahuli na may iba sya. Edi hanggang ngayon niloloko pa din nya ako." Sumang ayon sya sa sinabi ko.
Pinagmamasdan ko sya mula sa kinauupuan ko. He's beautiful. He really attracts my eyes.
"You look pale." nagulat ako when I heard his voice closely to my face. Dumampi ang maliit nyang palad sa noo ko. Suddenly I felt a rush.
"Now, your turning red." he said. I panicked. At hinawakan ko ang kamay nya.
"I'm fine!" matigas kong sinabi. Ninenerbyos ako sa kilos nya. I'm blushing!
"I think may fever ka. You need to take a rest." he said worried. Hawak ko ang kamay nya and its too warm. I gently squeezed it.
"Can I stay here to rest?" tanong ko at tumingin sya sa mga mata ko.
"Of course." he replied at ngumiti ako. Binitawan ko ang kamay nya, at sinundan ko sya ng tingin papasok sa kwarto nya.
"Ugh.." I groaned. Sumasakit ang ulo ko. Tama nga si Lina, mukhang magkakasakit ako. At nahihiya ako kay Dylan na humarap ako sa kanya na ganito ang itsura ko.
"Here. Take this med after you eat." Nasa harapan ko na si Dylan dala ang isang baso ng tubig at ilan tabletas na iinumin ko.
"Salamat." pagtanggap ko sa bigay nya. Naupo sya sa tabi ko.
Tinapos ko ang pagkain at saka uminom ng gamot. Ngayon naman, nahihilo ako. Naamoy ko ang shampoo na gamit ni Dylan. Nakakalunod. Nakakaakit.
"Oh!" Sumandal ako sa balikat nya.
"You okay?" narinig kong tanong nya.
Umiling ako. Pumikit ako habang nakasandal ang ulo ko sa balikat nya. I felt peace.His smooth palm rubbing my cheeks. Its soft touch leaving warmth.
BINABASA MO ANG
Wildest Temptation - BoysLove √
RomanceEdward was every woman's dream guy. Gwapo, mayaman, matalino at mabait. Pero nagawa pa din syang pagtaksilan ng asawa. He saw his wife making out with another man. He vowed to never trust and love again after what happened to his wife. Pakiramdam...