6 years later,
Tumatakbo si Patty dala dala ang bag niya na nakasabit sa kanan balikat. Kasunod niya ang nobyo na si Joseph na nirerebisa ang thesis paper nila na ipapasa.
"Bilisan mo kaya, baka hindi natin siya mahabol." inis na sinabi ni Patty at hinila ang kamay ni Joseph. Huminto sila sa harapan ng isang classroom. Sakto naman palabas na ang mga sophomore students galing sa klase nila. Tumingkayad si Patty para tumanaw sa loob kung naroon pa ang Professor na hinahanap nila.
"Wala na ata si Sir dito." bulong niya sa nobyo.
"At sinong hinahanap niyo?" nagulat ang magnobyo sa nagsalita mula sa likuran nila.
"Sir Edward!" tuwang tuwa ang dalaga nang makita ang Professor nila. Ibinigay agad niya ang thesis paper nila ni Joseph.
"Hinabol niyo pa talaga ako dito? Sana doon nalang sa office niyo dinala." nakatawang sinabi ni Edward at tinignan ang papel na inabot sa kaniya.
"Gusto daw kasi kayong makita in person ng girlfriend ko na may crush sa inyo." nakasimangot na sagot ni Joseph. Natawa lalo si Edward.
"Nga pala, Sir. Pwede naman siguro kami magpaturo sayo. Alam mo naman Sir, hirap kami sa Graduate School. Ang sakit sa ulo ng mga term papers." nakangusong reklamo ni Patty.
"Well, wala talagang madali in taking up Masteral's Degree diba." nakatango sina Patty at Joseph.
"Oo nga e. Pero kung nandito si Dylan edi sana tatlo kaming nahihirapan ngayon." bulalas ng dalaga at sabay siniko kaagad siya ni Joseph. "Aray! Bakit ba?" iritable niyang tanong. Sumenyas ang nobyo niya at saka lang niya narealize that Edward heard her. Napatakip siya sa bibig.
"So insensitive." bulong sa kaniya ni Joseph.
"Hey, its okay. Its been six years. He doesn't remember me at all kaya its okay." ngumiti si Edward. Nanatiling tahimik ang dalawa.
"I'll leave the both of you, okay. Magkita nalang tayo sa klase ko sa inyo bukas." paalam niya at pumasok na siya sa loob ng faculty. Napabuntong hininga si Patty.
"Has he really moved on?" nag-aalala niyang tanong sa nobyo. Umiling si Joseph.
"I guess. Its been six years since Dylan left. Kahit tayo hindi na niya kinontak. I guess he really moved on." nalungkot si Patty. Inakbayan siya ng nobyo at nagsimulang lumakad.
Isinarado ni Edward ang pinto pagkapasok niya ng silid. Inilapag niya ang papel na ipinasa ng dalawa sa kaniya. Pagtapos ay naupo siya at sandaling pumikit.
Anim na taon na nga ang lumipas, still he haven't heard anything about Dylan. Pagtapos nitong umalis, ay siyang inatras ni Diana ang isinampang kaso sa kaniya. At pagkaraan ng isang buwan ay pumayag ito sa deborsyo. He tried to find Dylan in France after he got the divorce he wants pero hindi niya natagpuan ang binata. After that, he got back in the Philippines after months in Paris.
The Golden Tree decided to take him back as the CEO again but he refused and sold his part of the company to Mr. Roque who acts as OIC. Nanatili siya sa bahay at nagbakasyon. Pagtapos ng isang taon, kumuha siya ng Education Major sa UST para magturo.
"Edward? Are you in here?" napadilat siya sa narinig na tinig. Pag angat niya ng ulo ay nakita niya si Mylene na nakasilip na sa pintuan.
"Yes?" nakangiti niyang tanong. Namula si Mylene sa responde sa kaniya ng guro. "Um.. Would like to go with us to have a drink later night? Besides its Friday." napatingala si Edward. Inisip niya kung may invite ba sina Elynor ngayon. Mukha naman wala kaya puwede siyang sumama.
"Of course, saan ba?"
****
Huminto ang puting BMW sa tapat ng House of Noir. Lumabas si Elynor habang nakatapat sa tainga niya ang cellphone. Isinabit niya sa balikat ang itim na shoulder bag.
BINABASA MO ANG
Wildest Temptation - BoysLove √
RomanceEdward was every woman's dream guy. Gwapo, mayaman, matalino at mabait. Pero nagawa pa din syang pagtaksilan ng asawa. He saw his wife making out with another man. He vowed to never trust and love again after what happened to his wife. Pakiramdam...
