Edward's POV
Nasa harapan kami ngayon ng gusali na isa sa mga proyekto ni Ivan. Nanatili akong walang naririnig sa pakikipag usap nya sa Presidente ng unibersidad. Pakiramdam ko wala sa kanila ang atensyon ko kundi kay Dylan.
"Why are you smiling!" nagulat ako sa pagtaas ng tono ni Ivan. Nakaalis na ang kausap nya..
"Am I smiling?" I asked him again. At dahan dahan syang tumango.
"Don't look at me like that Edward. A look of a young boy who's crazily in love with someone." tumawa ako sa sinabi nya.
"Okay okay. I'm sorry." wika ko.
"Diana was looking for you yesterday." Nagulat ako sa sinabi nya. Nakaramdam ako ng galit. Ano pa bang pakay nya sa akin?
"Ayoko muna syang pag usapan." pagpigil ko bago nya ikwento ang mga kahihiyan ginawa ng babaeng yun. I don't want her to ruin my mood. Not now or even once.
"I just want those divorce papers processed immediately." inis kong sinabi.
"What do you want me to do?" asked Ivan.
"I need to talk my lawyer."
Matapos namin ikutin ang ilan gusali na kasama sa proyekto ni Ivan. Sinunod namin puntahan ang Institute of Architecture kung saan madalas kaming nagkikita ni Ivan pagtapos ng klase.
May ilan estudyante kaming nakakasabay sa paglalakad. Wala pa din nagbabago sa gusaling naging tahanan namin sa loob ng halos limang taon.
"Let's go inside." wika ni Ivan at nagmadaling pumanik sa hagdan. Inikot ko ang paningin ko. Ang alam ko dito din nagkaklase si Dylan.
Pasimple akong sumisilip sa bawat pintuan nakabukas. May mga nagkaklase. Pero hindi ko sya matagpuan.
Ilan oras palang kaming hindi nagkikita ni Dylan pero hinahanap ko na sya.
"Look oh. Nandito pa pala ito." nagulat ako sa sinabi ni Ivan. Nakita ko ang isang bulletin board. May ilan nakapaskil na lumang litrato na kuha pa noon taon na nag aaral kami dito.
Nakita ko ang sarili ko at tila hawak ko ang isang tropeyo. Naalala ko na kuha iyon ng manalo ako sa varsity games sa unibersidad."Its me!" Galak na sinabi ni Ivan nang makita ang picture nya noon sumali sya sa Orchestra bilang pianist.
Nakarinig ako ng ingay ng mga estudyante. Mula ito sa katabing classroom ng audio visual room. Umatras ako mula sa kinatatayuan ko para silipin ang mga nasa loob.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Dylan na nakaupo sa may bandang likuran. Abala sya sa ginagawa.
I couldn't take my eyes away from him..
Sinubukan kong kunin ang atensyon nya habang nakatayo ako sa pintuan ng classroom nila. Pasimple akong kumaway at nahagip naman iyon ng mga mata nya. Pagkakita nya sa akin, gumuhit agad ang isang malaking ngiti sa mukha nya. Pagkaraa'y kumaway sya pabalik sa akin.
"Mr. Mendrez! Who are you waving at!" nagulat ako ng marinig ang Professor nya. Mukhang nahuli ata sya sa ginawa nya. Pinatayo sya ng guro at tinatanong kung bakit sya kumakaway ng ganun.
"Mr. Mendrez?" ulit ng Professor nya. Pinagmamasdan ko sya. He won't talk.
Umiling lang sya at hindi na sya pinilit pang magsalita. Nakahinga ako ng maluwag.Inilabas ko ang phone ko at nag iwan ng text message sa kanya.
Let's go out for lunch.
Ngumiti ako matapos ko isend yon. I can't wait to see him again.
BINABASA MO ANG
Wildest Temptation - BoysLove √
RomanceEdward was every woman's dream guy. Gwapo, mayaman, matalino at mabait. Pero nagawa pa din syang pagtaksilan ng asawa. He saw his wife making out with another man. He vowed to never trust and love again after what happened to his wife. Pakiramdam...