Dylan's POV
Nakalimutan kong tanungin ang pangalan ng estranghero. Pero pamilyar sa akin ang mukha nya. Para bang nakita ko na sya before.
Nahuli ako sa klase pero hindi naman ako nagsisisi na sumama ako sa taong yun. The way we talked ay para bang kilala namin ang isa't isa. Eventhough isang beses palang kaming nagkikita.
"Why are you so happy today?" nagulat ako sa tanong ni Patty. Magkatabi kami sa upuan. Habang si Joseph nasa likuran ko nakaupo at kakwentuhan ang iba pa namin kaklase.
"Ako?" pag ulit ko. Tumango sya at dahan dahan lumapit sa akin.
"Where did you get off to? Kanina pa kami hanap ng hanap sayo tapos bigla ka malelate sa klase?"
"I had some coffee outside." sagot ko. Then she smiled.
"Hindi ka man lang nag aya!" inis nyang sinabi.
"I had company." the she got excited ng marinig yun.
"Who was it? Ikaw ha! Nakikipagmingle kana. Hindi mo man lang ishare sa amin!" wika nya sa mataas na tono. Nagtinginan sa amin ang ibang estudyante. And also Mia.
"Shh!" tinakpan ko ang bibig ni Patty. I know I just broke up with Mia at hindi maganda na malalaman nyang nakikipag mingle ako kahit na sya ang nang iwan.
"Bakit! Maganda nga marinig ni Mia para isipin nya na di sya kawalan sayo." bumuntong hininga ako.
Lumingon ako kay Mia. Pero hindi na sya nakatingin sa amin. Siguro nga ako lang itong si tanga na umaasa pang magbabalikan kami.
Matapos ang klase ng araw na yon. I decided to visit House of Noir. Susubukan kong bumalik kay Ms. Elynor kahit ba na parang nakakahiya yun ginawa kong pag alis.
That guy told me..
I should continue doing what I love.
Hindi ko alam pero parang ang lakas ng loob ko kapag sinasabi iyun ng taong yun. Sana lang mas nakapag kwentuhan pa kami ng matagal. Komportable kasi ang pakiramdam ko sa kanya. Kahit magkwento ako ng magkwento, makikinig lang sya at hindi ako huhusgahan.
Sana lang magkita kami ulit.
--
Binaba ako ng taxi sa harapan ng House of Noir. Nahihiya pa akong pumasok sa loob dahil alam nila na umalis ako pero heto babalik ako.
Sa lobby palang nakita ko na si Ms. Christine. Abala sya sa mga schedules ng fashion week sa France. Habang si Sir Gastone naman na Head Designer ni Ms. Elynor, busy din sa pag eensayo ng mga modelo para sa next ramp walk.
"Dylan!" nagulat ako sa kinatatayuan ko. I saw Ms. Elynor sa second floor. Nakatanaw sya mula sa office nya. Tinawag nya ako at nagtungo paakyat sa ikalawang palapag. Hindi ako nagsasalita hanggang makapasok ako ng opisina nya. Parang alam na ni Ms. Elynor kung ano ang ipinunta ko dito. Pagkadinig ko sa pagsara ng pinto. Naupo ako sa isang malambot na velvet sofa sa kanang bahagi ng opisina. Habang walang imik pa din si Ms. Elynor na naupo sa swivel chair na itinulak nya.
"So, babalik kana?" Nagulat ako sa sinabi nya.
Hindi ko alam saan magsisimula. Kung paano ko pinagsisihan ang pabigla bigla kong desisyon. She almost offered this office as my second home and her as my second family. Pero hindi ko tinanggap at talagang tinalikuran ko pa sila.
"Um--
Hindi ako makapagsalita. Nahihiya ako.
"Dylan." tinawag nya ako at bigla nalang sumalubong sa akin ang isang yakap.
BINABASA MO ANG
Wildest Temptation - BoysLove √
RomanceEdward was every woman's dream guy. Gwapo, mayaman, matalino at mabait. Pero nagawa pa din syang pagtaksilan ng asawa. He saw his wife making out with another man. He vowed to never trust and love again after what happened to his wife. Pakiramdam...
