I Meeting her I

27.4K 656 59
                                    

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!









KABANATA I

Third Person's POV

Panandaliang napapahid sa kanyang noo si Everly upang alisin ang ilang butil ng pawis na tumutulo mula doon. Ilang oras na din kasi siyang naglalaba ng damit ng kanyang nakakatandang kapatid na babae. Mga magagara at malaking bestida na gagamitin nito sa nalalapit na pagdiriwang ng Moonstone Pack na gaganapin sa kanilang mansiyon.

They are creatures that have a normal human form most of the time but can shapeshift into wolves when night falls. Their ability to shapeshift and retain their human consciousness while in wolf form can be difficult to achieve at times, especially for young shapeshifters. When the full moon appeared, young shapeshifters would involuntarily transform into wolves and wander the forest all night.

Kaya madalas na ikinukulong sa kani-kanilang tahanan ang mga batang lobo dahil baka kung saan na mapadpad ang mga ito sa tuwing magpapalit-anyo.

Pero hindi ganun ang kaso kay Everly, dahil sa edad niyang dalawampu ni minsan ay hindi pa niya nagawang mag palit-anyo bilang isang lobo. Kaya mula pa noon ay tampulan na siya ng usapan at panghuhusga mula sa mga tauhan ng kanyang ama.

Their mansion is located south of the pack's second district, it was an enormous mansion with four tall walls built around it to prevent any sudden attack.

It was his father's decision to build a mansion here, and it's solely for the purpose of hiding her.

Dahil na din ayaw ng kanyang ina na malayo siya, at iyon lang ang hiniling nito sa kanyang ama sa huli ay wala din itong nagawa kundi ang pumayag, kaysa nga naman manatili sila sa main pack kung saan malaki ang posibilidad na marami ang makaalam ng tungkol sa kanya.

Everyone in the pack thinks their Gamma only have two children. Dave, her older brother, and Crizelle, her older sister. Nobody is aware of her existence.

Aside from her father's most trusted people who work in and guard the mansion. They also agreed to keep her identity hidden.

Because they believe that if anyone finds out about her existence, it will bring great shame to their family and all those under her father's command.

Ang kanyang ama ay ang kasalukuyang Gamma ng kanilang pack at kung tama ang pagkakarinig niya noon ay isasabay na din ang paglilipat ng kasalukuyang Alpha ng pack sa kanyang titulo sa nag iisang anak nito.

Base lang iyon sa kanyang mga naririnig na usapan mula sa mga alipin at kawal. Hindi naman kasi siya kailanman maiimbita sa malalaking pagdiriwang na gaya niyon.

Mariing piniga ni Everly ang tela na siyang pag-agos ng bula at tubig mula doon. Kahit pa napakaraming alipin na nagtatrabaho sa mansion ay sa kanya pa napiling ipalaba ng kanyang ate ang naglalakihang bestidang iyon.

Sino nga naman ang hindi? Tahimik na ani ni everly sa kanyang isip habang nakatanaw sa mataas na pader ng kanilang mansiyon.

Siguro dahil na din sa takot at kaba na nararamdaman niya sa tuwing may ibang nilalang siyang makakahalubilo.

Para siyang sinasakal sa sobrang bilis ng kabog ng kanyang dibdib, lalo na kapag pumapaskil na sa mukha ng mga ito ang samu't saring reaksyon dahil sa kanyang itsura.

Kaya naman mas pinipili niya na lang na magkulong sa sariling kwarto higit lalo kung may biglaang bisita ang kanyang ama.

Matagal niya ng tinatanong sa kanyang sarili kung bakit sa lahat ng nilalang sa mundo ay sa kanya pa dumapo ang ganitong trahedya.

MY CURSED MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon