Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!
KABANATA LXXXVI
Third Person's POV
Allenon's aura grew darker as he repressed all emotions except for the escalating hatred within him. Crizelle's voice dominated his thoughts, guiding him on how to ensure his mother never leaves him again.
"O–Opo Luna... Patawad dahil nagtungo ako dito ng walang pahintulot." Muli niyang usal. Kita niya ang pagkalma sa ekspresyon nito ngunit naroon pa din ang pag-aalala dahil may nakakaalam na naman kay Allenon bukod sa kanila ng beta.
"I shall consult this with Beta Arthfael, could you stay here for a while I'll just call him to come back down here—"
"Why?" Hindi na natapos ni Serena ang sasabihin dahil sa walang emosyong tono ni Allenon. Hinuli niya naman ang mukha nito gamit ang magkabila niyang palad at pilit itong iniangat ang tingin sa kanya.
"Because he's your protector Allenon. He's the only person I trust about your safety." Malumanay na paliwanag niya dito. Ngunit hindi nagbago ang malamig na ekspresyon sa mukha nito.
"Are you having an affair with him? Does father know about this—" Tila nawala sa kanyang ulirat si Serena at hindi na namalayan ang paggalaw ng kanyang palad at sinampal iyon sa mukha ng anak.
Kaagad niyang napagtanto ang pagkakamali at mabilis na niyakap muli ang anak.
"I—I'm s–sorry... I–I—d–didn't m–mean it.. I–I'm very s–sorry, m–my child..." Paulit-ulit niyang usal dito habang mahigpit na yakap ang anak. Alam niya na hindi niya dapat ito pinagbuhatan ng kamay, ngunit dahil sa dami ng iniisip niya nitong mga nakaraang araw ay hindi niya na nakontrol ang sarili.
Isang malaking hamon sa kanya bilang ina nito ang tiisin na hindi makita ang anak sa loob ng ilang araw, ngunit kailangan niya iyong gawin dahil dumarami na ang nilalang sa mansion na nagsususpetsa sa kanya. Mabuti na lamang at naroon si Arthfael upang ipaliwanag ang lahat.
Dahil wala ng amor ang alpha kay Allenon ay wala din itong ginawang hakbang upang ipagtanggol siya sa mga ito. Hindi na nito naisip ang kalalagyan ng kanilang anak oras na madiskubre ng buong pack ang katotohanan.
Isa pa ay nalalapit na din ang kanyang kabuwanan. Mas lalong mahihirapan na siyang dalawin si Allenon oras na manganak siya. Kaya naman ngayon palang ay hinahanda niya na ang lahat ng kakailanganin nito sa pag-alis. Napag-usapan na nila iyon ng Beta, na pansamantala muna niya itong ilalayo sa pack oras na manganak siya upang kahit papano ay makapag liwaliw muna ito sa labas habang hindi pa niya ito magawang dalawin. Sa ganoong paraan ay maaalis niya ang atensyon nito sa kanya.
Alam niya na kailangan lang nitong makasalamuha ng ibang nilalang upang matuto. Kaya naman buong tiwala niyang ibinigay ang pangangalaga kay Allenon sa beta habang nagpapagaling siya.
"No you're not. You're not sorry at all." Matigas ang boses na usal nito matapos ang ilang segundong pananahimik. Mas humigpit naman ang yakap niya dito habang iniiling ang ulo.
"No, Allenon. It was a mistake and I promise it won't happen again." Naiiyak na siya dahil doon. Mahirap kumbinsihin ang anak lalo na kapag nasasaktan ito. Tila ba sarado ang isip nito sa kanyang mga salita kapag ganoon. Kaya hangga't maaari ay iniiwasan niya sanang mapag buhatan ito ng kamay.
"I know you will do it again." Muling usal nito sa kanya dahilan kung bakit kinalas niya ang yakap dito at diretso itong tinignan sa mata. Kita niya ang galit sa mga mata nito, gayundin ang mahigpit na pagkakakuyom ng palad nito.
BINABASA MO ANG
MY CURSED MATE
WerewolfA cursed appearance. A shattered destiny. A truth that could rewrite history. In the shadowed lands of Grand Orleas, EVERLY is a living symbol of fear and loathing. Her disfigured visage mirrors the incurable disease wrought by warlocks-servants of...
