Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!
KABANATA LXXVIII
Third Person's POV
Balisang pilit na ini-angat ni Everly ang puno mula sa pagkakadagan niyon sa likod ng lalaki ngunit masyado iyong mabigat kaya wala siyang nagawa kundi pilitin ang sarili na muling umusal ng ekantasyon upang alisin ang punong iyon mula sa pagkakadagan kay Emris.
Matapos niyon ay kaagad niyang pinatihaya ang lalaki at pinulsuhan. Puno ng pag-aalalang minasdan niya ang duguang ulo nito. Nakahinga naman naman siya ng maluwag nang maramdaman ang tibok ng puso ng lalaki.
She quickly attempted to heal him, but Emris stayed unconscious. Everly found herself staring helplessly at the burning surroundings, hoping that some tribe members would find them there.
"I'll be back." Usal niya dito matapos ang ilang minutong paghihintay at walang nangyayari mas nilalamon lang ng apoy ang buong paligid. Tuluyan na siyang tumayo at paika-ikang tinahak ang daan palabas sa kagubatan.
Puno ng pagmamadaling inihakbang niya ang paa patungo sa direksyon pabalik sa kanilang kuta.
Ngunit ang bagay na hindi niya inaasahang makita ang siyang bumungad sa kanya. Napatigil siya sa kanyang kinatatayuan habang unti-unting nilalamon ng panghihina ang kanyang sistema dahil sa nasaksihan.
The situation in their tribe is far worse than the current state of the Crescent Moon Mansion. A horde of monsters, enemies, tribesmen, and a battalion of pack knights are swarming the entire area.
Killing each and everyone from their tribe.
Natulala na lamang si Everly sa kanyang pwesto at tila bumaon na sa lupa ang kanyang mga paa. Hindi niya magawang igalaw pa iyon upang humakbang palapit.
May kung anong mabigat na bagay ang nag-umpisang dumagan sa kanyang dibdib habang minamasdan isa-isa ang nakahandusay at wala ng buhay na katawan ng kanyang mga ka-tribo—duguan at wala ng malay.
Their bodies have stocked up like piles of trash all over the place.
Bawat katawan na kanyang nakikita—mapa-bata man or matanda ay tila isa-isang pumipiga sa kanyang puso. Natatandaan niya pa ang ilang memorya niya kasama ang mga ito noong panahong tahimik at masaya pa silang nabubuhay.
For some reason, tears welled up in her eyes as she mustered the courage to walk through the sea of dead bodies. Some monsters and enemies attempted to attack her, but she simply cast a spell to repel them.
Her tribe had been ambushed by these creatures, and she saw the remaining elders and neutral warlocks fighting desperately to protect the surviving members.
"Everly!" Isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya. Saglit na nabuhayan si Everly dahil alam niyang boses iyon ni Mayla. Kahit papano ay nabawasan ang bigat sa kanyang dibdib dahil buhay pa ito.
"Mayla!" Sigaw na tawag niya din dito bago tumakbo palapit, isang mahigpit na yakap ang ibinigay nito sa kanya.
"Anong nangyayari dito?" Hindi na maipaliwanag ni Everly ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
"Wala din kaming ediya kung anong nangyayari Everly, bigla na lamang inatake ang ating tribo ng pwersang nanggaling sa Darkmoon pack, matapos niyon ay bigla ding dumating ang kalaban nating tribo—kasabay nila ang pagdating ng mga nilalang na iyon." Usal nito at itinuro ang mga nilalang na kasalukuyang naglalaban sa kalangitan.
BINABASA MO ANG
MY CURSED MATE
WerewolfA cursed appearance. A shattered destiny. A truth that could rewrite history. In the shadowed lands of Grand Orleas, EVERLY is a living symbol of fear and loathing. Her disfigured visage mirrors the incurable disease wrought by warlocks-servants of...
