| Nothing But Disappointment |

3.1K 114 9
                                    

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!



KABANATA LXIV

Third Person's POV

She realized it the moment that man held out that piece of paper in front of her. She knew that it was the same sketch that her fake sister showed her that night.

Why didn't she think of that? Of course Manang has never been to other places aside from her own pack and Greyson's mansion.

Since they are already in Moonstone there's a huge chance that someone will eventually recognize the identity of Manang Linda and will help them. Manang Linda's survival is what's more important right now.

She can endure it—she has to.

Hindi niya alam kung saan partikular na parte ng pack sila napadpad. Ngunit dahil sa komosyong unti-unting nabubuo sa paligid ay dire-diretso lamang siya sa paglakad. Nanatiling nakayuko ang kanyang ulo upang protektahan iyon mula sa mga batong patuloy pa ding inihahagis ng mga ito sa kanya.

"Dapat ay sunugin ang babaeng iyan!"

"Tama! Upang hindi na siya makapang hawa ng kanyang sakit dito sa pack!"

Masakit marinig ang mga salitang iyon mula sa bibig ng mga nilalang na ninais niyang kilalanin noon. Mga nilalang na naging dahilan bakit ginusto niyang pagbutihin ang sarili.

Ngunit ngayon na naririnig niya na mismo ang totoong reaksyon at nararamdaman ng mga ito para sa kanya ay unti-unting nababalutan ng lamig ang sakit na kanyang nararamdaman.

She feels disheartened, not for her own sake but for these people she once sought to protect. Her hopes for them are fading away. They don't deserve someone like her—not because she lacks anything or is cursed, but because she has no desire to lead such heartless beings. They are no different from those dark creatures, who at least do not discriminate.

"Hulihin niyo ang babaeng iyan!" Mas tumindi ang gulo sa paligid dahil sa sunod sunod na yabag na patungo sa kanilang direksyon.

Ilang segundo lang ay naramdaman niya ang paghila ng kung sino man kay manang Linda mula sa kanyang likuran. Pag-angat niya ng kanyang mata ay naroon na ang mga kawal, nakapalibot sa kanya.

Walang imik at hinayaan niyang kaladkarin siya ng mga ito sa kung saan. Hindi niya na lamang inalis ang tingin kay manang Linda na buhat buhat ng isa sa mga kawal na iyon.

Sooner or later someone will recognize manang Linda—when her safety is already secured then she can just teleport to escape all this mess. That's what is circling her head right now.

Hindi niya magawang i-angat ang ulo dahil sa pagod at dahil ayaw niyang makita ang nakakapasong tingin ng mga miyembro ng pack sa kanyang direksyon. Para siyang naging sentro ng palabas ng gabing iyon.

Ilang minuto pa ay walang ingat na itinulak siya ng mga ito paluhod sa damuhan. Ramdam niya ang init mula sa napaka-laking bonfire di kalayuan sa kanyang pwesto.

Burn her—Sunod sunod niyang iniling ang ulo dahil tila bumabalik sa kanyang isip ang boses ng impostor na iyon.

"Patawad sa aming pag bulabog sa kasiyahan ngunit kailangang makita ng ating Alpha at Luna ang nilalang na ito." Rinig niyang usal ng isa sa mga kawal na nakatayo sa kanyang tabi.

Hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang huling salita nito—Alpha at Luna...

But I'm your Luna, you idiot. Gusto niya iyang isigaw ngunit masyado na siyang pagod at dismayado ng mga sandaling iyon na kahit anong masaksihan niya ngayong gabi ay tatanggapin niya na lamang.

MY CURSED MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon