I Good Coven I

6K 222 1
                                        

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!







KABANATA XXIX


Third Person's POV

Chief Zevian's departure from Flintstones pack back to Moonstone is delayed due to the sudden accident in the east part of the market. Unfortunately they arrived at the place too late and the perpetrator already escaped. They don't know what kind of monster attacked the pack but many members who witnessed it first hand say that it's more likely a demon.

Puno pa rin ng takot ang mga nilalang na naninirahan sa parteng iyon ng pack kaya naman napagpasyahan ni Alpha Nazik na palipatin na muna ang mga ito sa palasyo higit lalo ang mga sugatan kung saan mabibigyan ang mga ito ng karampatang gamot at mas mahigpit na seguridad.

"Siguro ay mas mabuting humingi na tayo ng tulong sa Moonstone, Alpha," usal ng isa sa matandang pinuno sa pack na kaagapay ni Alpha Nazik sa pagsasaayos at pangangalaga sa pack.

Zaugustus along with the beta and other leaders of the pack are there. They are currently having a meeting about what to do if ever that monster attacks again. Strangely, Alpha Nazik looked a lot calmer than he's supposed to, Zevian doesn't know if he should feel relaxed as well or doubt the alpha's strange behavior.

"Huwag kayong mag-aalala siguradong hindi tayo pababayaan ng mga bantay ng lawa," mas lalong naging prominente ang mga guhit ng katandaan sa mukha nito ng sandaling mapunan ng ngiti ang kanyang labi.

Tuluyan ng napa kunot ang noo ni Zevian dahil doon, aksidente niyang nailipat ang tingin kay Zaugustus na noon ay nagmamasid din pala sa kanyang direksyon.

He didn't know but he catched him giving that suspicious look in his direction. As if he's not supposed to hear what the alpha had just said. He looked back at Elio behind him and instructed him to go out before their conversation got more deep.

"Father, please be careful with your words," tila may babalang usal ni Zaugustus sa sariling ama na noon ay ngumiti lamang sa lalaki. Kaagad na naningkit ang mata ni Zevian dahil sa kakaibang interaksyong iyon ng mag-ama. Iyon ang unang beses na nakita niyang ganun kahigpit si Zaugustus sa mga bagay na may kinalaman sa pack. Madalas ay hindi naman ito nakikialam sa mga desisyon ng ama. Ganun ito kaabala sa pag-aasikaso sa anak.

"Alpha Nazik, kung hindi ninyo mamasamain ay nais kong maintindihan ang bagay na inyong tinutukoy," diretso at seryosong usal niya hindi lang sa alpha kundi sa lahat ng mga naroon na may alam sa gusto nitong tukuyin. Kita niya ang angal at pagtutol sa mukha ni Zaugustus na nasa tabi lamang ng ama na noon ay nagbigay ng mahinang iling dito.

"Panahon na para malaman ng ating butihing bisita ang tungkol sa bagay na ito Zaugustus. Sila ang iyong makakatuwang sa pagsisilbi sa mga bantay ng lawa para sa patuloy na proteksyong ibibigay nila sa atin," mahabang paliwanag nito na halatang hindi sinasang-ayunan ni Zaugustus.

Bakas ang pait sa ekspresyong nakapaskil sa mukha nito habang hindi makapaniwalang iniiling ang ulo.

"Proteksyon? Guguho na lang ang ating pack sa paniniwala mong tutulungan tayo ng mga nilalang na iyon. Tanging mga ganid at makasariling nilalang na lamang ang natitira sa grupong iyong sinasamba, ama. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay pilit mo pa ding pinagsisilbihan ang mapang-abusong grupo na iyon..." bakas ang gigil dahil sa labis na sama ng loob ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito.

MY CURSED MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon