| Castriel's Departure |

3.6K 125 35
                                        

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!




KABANATA LXXI

Third Person's POV

'Sigurado ka bang kaya na ng katawan mo Everly?' May bahid ng pag-aalalang tanong ni Eve sa kanya.

Ngunit hindi na siya nakasagot ng mabilis na nakarating sa kanya ang tatlo sa mga ito. Kaagad niyang iniyuko ang ulo sa akmang pagdamba ng isa sa kanya. Hinuli niya naman ang kamao ng isa at buong pwersang binalibag iyon sa kabilang direksyon.

She raised her eyebrows in shock at how far the man's body was thrown. After taking a few deep breaths, she turned to face the last man. She saw him grow claws from his hand and charge at her, but she quickly grabbed her bow, nocked an arrow, and released it without aiming. It pierced the man's chest perfectly.

The leader, clearly angered by her action, commanded his remaining men to attack her.

Sabay-sabay na nagpakawala ng atake ang mga ito kaya medyo nahirapan si Everly na maka-isip ng paraan para umatake pabalik, kaya naman paulit-ulit niya lang iyong sinubukang iwasan.

Ngunit hindi niya napansin ang binatong kutsilyo ng isa sa mga ito sa kanya. Medyo nahuli siya sa pagyuko kaya naman natamaan ang suot niyang cloak dahilan kung bakit natanggal iyon sa pagkakasaklob sa kanyang ulo.

Bago pa man makita ng mga ito ang kanyang mukha ay isang maliwanag na spell ang kanyang pinawalan.

She raised her head and muttered another spell, releasing a beam of light from her palms that struck all three men, sending them flying through the forest before they hit the ground. She then covered her head with her cloak and turned to face her last opponent.

However, before she could take a step, the supposed leader fled, leaving the poor woman lying on the ground.

Kaagad siyang lumapit dito at inalis ang tali nito sa kamay, maging ang takip nito sa ulo.

"Tulong!" Kaagad na sigaw nito, basang basa na ng pawis at luha ang mukha nito. May dugo ding tumutulo sa noo nito mukhang kagagawan ng mga lalaking iyon.

Nang magtama ang kanilang tingin ay kaagad itong natameme.

"Ligtas ka na." Usal niya dito bago tumayo at tumalikod.

"You must keep all this a secret. Understand?" Seryosong usal niya dito na sunod-sunod namang tinanguan ng babae.

"S–Salamat..." Utal na sagot nito sa kanya bago siya tuluyang nag-teleport pabalik sa sentrong bahay dala ang nahuli niyang mga hayop.





"Everly!" Napakunot naman ang kanyang noo ng makita sila Emris na patakbong lumapit sa kanya.

"Saan ka ba nagpunta?!" Puno ng pag-aalalang bulyaw nito. Ngunit kaagad na dumiretso ang tingin niya sa grupo nila Nymeria at ang mga matatanda. Sa tabi nito ay naroon ang tatlong nilalang na hindi pamilyar sa kanya.

Isa pa ay may kakaiba siyang nararamdaman sa dalawa sa mga ito.

"Kaya ko ang aking sarili Emris, wala kang dapat ipag-alala." Seryosong sagot na lamang ni Everly dito bago naglakad patungo sa direksyon nila Nymeria. Bahagya niyang iniyuko ang ulo upang magbigay respeto. Isang tango lang naman ang ibinigay nito sa kanya.

MY CURSED MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon