Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!
KABANATA LXXIV
Third Person's POV
Lumipas ang magdamag at isang maayos na umaga na naman ang bumungad kila Everly. Kasalukuyan siyang naglalakad pabalik sa tribo matapos ang ilang oras na pangangaso at pagsasanay doon.
Malayo palang ay napahinto na siya ng makita sila Zaugustus, Nefeli at ang kanilang anak na si Lilura. Kasalukuyang naglalakad ang mga ito sa initan na tila ba sinasanay muli ang anak sa mga simpleng bagay na hindi nito magawa noon.
She can feel some emotions inside her. Especially everytime she sees Nefeli's genuine expression of love for her child. It reminds her of her mother. She suddenly felt the urge to ask how her mother had been for a couple of months that had passed.
Sinasaktan pa rin ba ito ng kanyang ama? Kamusta ang mga sugat nito—siguradong wala ng tumutulong dito na gamutin ang mga iyon.
Dahil sa lalim ng kanyang iniisip ay hindi niya na namalayan ang paglapit ng mag-anak sa kanyang direksyon.
"Magandang umaga Everly." Nabalik siya sa realidad dahil sa biglang pagsulpot ni Nefeli sa kanyang harapan. Saglit siyang napatulala sa nakangiting mukha nito—pilit na inalis ang imahe ng kanyang inang nakangiti din sa kanya.
She must be losing her head right now, because of how much she misses her.
Napatikhim na lang siya bago inayos ang taklob ng kanyang mukha.
"Magandang umaga din sa inyo Nefeli." Sagot niya dito bago ibinaba ang tingin kay Lilura. Hanggang ngayon ay hindi niya malimutan ang aurang nakita niya dito, kahit pa nagawa na iyong alisin ng kapangyarihan sa lawa ay sariwa pa sa kanyang memorya ang kanyang nakita.
She is certain of it. The child's aura matches that of one of the women who was with Morana during their visit. If she's not mistaken, her name was 'Runa.'
Isa pang kinatatakha niya ay kung paanong hindi naapektuhan ng aurang iyon ang katawan ng bata, sa halip ay tila naging dahilan pa iyon upang manatili sa katawan ng bata ang kanyang kaluluwa sa kabila ng labis na lala ng kondisyon nito.
"You're staring at her too much, is there something wrong?" Muli niya na lamang naibalik ang tingin kay Nefeli dahil sa muling pagbalatay ng pag-aalala sa boses nito.
She shook her head and looked down at the little girl again. She looks so pretty innocent while smiling at her.
"How old is she?" Hindi niya mapigilang tanong. Lumawak naman ang ngiti sa mukha ng mag-asawa.
"Twelve. She'll be turning thirteen soon." Masayang usal nito. Tila ba hindi makapaniwala na masasaksihan pa nila ang mga susunod na kaarawan maging ang pagtanda ng kanilang anak.
She wants to know something, and she can only know the answer if she gets to talk to this little lady.
"You'll be having your birthday soon, mind if I ask you some questions about your plans for your upcoming birthday?" Usal niya dito gamit ang masayang boses.
Mas lumawak naman ang ngiti sa labi ng bata at mabilis na bumitaw sa pagkakahawak ng kanyang magulang. Napailing na lamang ang kanyang ina dahil sa kanyang ginawa.
Saglit siyang natigilan ng maramdaman niya ang kamay nitong humawak sa kanyang palad.
It felt odd. She still couldn't get used to their tiny hands whenever she held them. They were so light and delicate, evoking a warm feeling within her.
BINABASA MO ANG
MY CURSED MATE
WerewolfA cursed appearance. A shattered destiny. A truth that could rewrite history. In the shadowed lands of Grand Orleas, EVERLY is a living symbol of fear and loathing. Her disfigured visage mirrors the incurable disease wrought by warlocks-servants of...
