Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!
KABANATA LVII
Third Person's POV
"Chief!" Sigaw ng isang kawal habang patakbong tinatahak ang pasilyo patungo sa opisina kung saan kasalukuyang nagkakaroon ng pagpupulong ang buong council. Bakas ang pagmamadali sa itsura nito.
Kaagad napukaw ng kawal ang atensyon nila Chief Zaugustus at ng iba pang naroon sa opisina.
"Anong dahilan ng iyong pagmamadali kawal? Hindi mo ba nakikitang nasa kalagitnaan kami ng isang importanteng pagpupulong?" Pangaral dito ng isa sa matandang miyembro ng council. Yumuko naman saglit ang kawal sa mga ito upang humingi ng tawad.
Pagtapos niyon ay kaagad nitong tinungo ang direksyon ni Zaugustus at ini-abot ang nakatuping piraso ng papel.
"Galing sa mga nilalang na iyon ang liham na iyan chief." Usal nito. Kaagad na nabalot ng kunot at pagtatakha ang isip ng mga ito. Higit lalo ni Zaugustus dahil iyon ang unang pagkakataon na nagpadala ang mga ito ng liham para sa kanya.
He dismissed everyone in the office before opening the letter and reading it for himself. He felt the sudden rise of different emotions within him upon learning what the letter's intent is.
Hindi niya mawari kung dapat ba siyang matuwa o kabahan sa biglaang pagbabago ng isip ng grupong iyon. Ang good coven.
They sent him a letter announcing their approval to help in the recovery of his only daughter Lukariah. They are expecting the child's arrival anytime in the sacred lake.
"Zaugustus..." Kaagad na isinarado ng lalaki ang liham dahil sa pamilyar na boses sa kanyang likuran.
"Anong laman ng liham na iyan?" Hindi pa man niya nasasabi ang laman ng liham ay bakas na sa boses ng asawa ang pag-asang isang magandang balita iyon.
"It's the coven..." He cut off, contemplating if he should agree to this or not.
"They suddenly agreed to help our daughter." He finally stated before moving his gaze away from his wife. He doesn't want to see the joy in her face because of this news. Their faith and happiness has been shattered countless times for him to even hope that there is nothing suspicious about this sudden proposal.
"T—Talaga?!" Kahit hindi niya tingnan ang ekspresyon nito ay alam niyang labis ang galak nito.
"Kung gayon ay ano pang hinihintay natin? Ihahanda ko na ang ating pag-alis—"
"Hindi ka man lang ba nakakaramdam ng kahit anong mali sa nangyayari Nifeli?" Hindi niya na napigilang usal dito. Kita niya ang mabilis na pagkawala ng ngiti sa labi nito at diretsong itinutok ang tingin sa kanya.
"Mayroon na tayong pag-asang makasama ng mas matagal ang ating anak Zaugustus—hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito kahit pa hindi mo gusto ang desisyong gagawin ko." Walang emosyong usal nito.
He knows how hard it is for her, as Lukariah's mother—who carried her in her womb and risked her life giving birth to just give up to their child.
It is hard for him as well. But what's harder is to witness how he slowly loses both her and their child and there's nothing he can do but watch and let things happen.
"Our child and I will be traveling down to the sacred lake before the sun sets today. If you want to come you can—if you don't I don't care." Matigas ang boses na usal ng kanyang asawa bago ito tuluyang lumabas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
MY CURSED MATE
WerewolfA cursed appearance. A shattered destiny. A truth that could rewrite history. In the shadowed lands of Grand Orleas, EVERLY is a living symbol of fear and loathing. Her disfigured visage mirrors the incurable disease wrought by warlocks-servants of...
