| Nymeria's connection to Weresfia |

3.4K 118 8
                                        

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!




KABANATA LXIX

Third Person's POV

"Everly, Mayla." Napukaw ang kanilang atensyon dahil sa biglaang pagsulpot ni Apo Vanya sa kanilang likuran. Kasalukuyan ng naglalakad ang lahat pabalik sa kanilang kuta.

Lumipas ang magdamag na naging matiwasay naman ang lahat. Maliban na lamang sa nangyari kila emris at punong Nymeria at sa isa nilang kasamahan.

"Maaari ba kayong magtungo saglit sa sentrong mansion?" Seryosong usal nito. Napatingin naman si Mayla sa kanya at kita sa ekspresyon nito ang naguguluhan.

"Gising na si punong Nymeria." Siwalat nito. Dahilan kung bakit napasinghap si Mayla sa gulat. Samantalang si Everly ay nanatiling diretso ang tingin dito, maging ang matanda ay gayundin sa kanya. Alam niya na ang dahilan bakit sila nito nais magtungo sa mansion.

Siguradong tungkol ito sa nangyari kagabi.

I didn't expect they could learn everything this fast. Komento ni Everly sa kanyang utak na tinanguan lang ni Eve. Wala naman silang magagawa dahil para din naman sa ikabubuti ng lahat ang bagay na natuklasan nila.

Siguradong napakaraming buhay ang magbabago dahil doon.

"Sumunod kayo sa akin." Maikling usal nito bago tumalikod. Tahimik naman silang sumunod sa likod nito.

"Maupo kayo ija." Pagpasok palang nila sa loob ay kaagad silang binati ni punong Nymeria na noon ay nakaupo sa sahig. Sa harap nito ay isang lamesang puno ng kung ano-anong botelya at halamang gamot.

She roamed her eyes quickly inside. The whole place seems to be a sacred place. No one was around except her, Mayla and Nymeria. There are also bones of different animals hanging in the walls. Everything inside seems to be so fragile and terrifying at the same time.

Naramdaman niya na lamang ang paghila ni Mayla sa kanya paupo sa sahig. Nang kaharap na nila si Nymeria ay pansin niya ang aliwalas ng mukha nito. Napakunot ang kanyang noo ng mapansin ang tila pagbabago sa itsura nito. Kahit pa bakas pa din ang mga linya ng katandaan sa mukha nito ay tila mas bumata ito ng ilang taon.

"Pinatawag ko kayong dalawa dito dahil may isang bagay lamang akong nais kumpirmahin." Nakangiting usal nito.

She looked at Mayla first, then looked at her.

"Hindi na bago sa amin ang katotohanang may dugong diwata na nananalaytay sa katawan mo Mayla, at kailanman ay hindi namin pinaramdam sayo na iba ka sa amin, hindi rin kami gumawa ng kahit anong ikapapahamak mo." Malumanay na usal nito kay Mayla na siyang naglagay ng ngiti sa labi ng dalaga.

"Isang malaking utang na loob ko po sa inyo ang aking buhay, punong Nymeria." Puno ng pasasalamat na sagot ng dalaga dito.

The moment Nymeria moved her gaze to her again, Everly knew this old woman knows something.

"Hindi pwedeng malaman ng iba ang katotohanan." Diretsong usal niya dito. Dahil doon ay mas lumawak ang pagkakangiti ng matanda at ginagap ang kanyang palad.

"Matagal na panahon na din ng huli kitang makita, masaya akong nagbalik ka nang muli." Bakas sa ekspresyon nito kung gaano ito kasaya na makita siya—o samakatuwid, si Weresfia.

Bahagyang nagulat si Everly dahil doon. Tila ba sobrang lapit nito sa ikalimang disipulo at nagawa niya itong makilala sa kabila ng pagtatago nito sa katauhan ni Everly. Mukhang maging si Eve ay wala ding ediya na kilala ng matandang ito si Weresfia.

MY CURSED MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon