Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!
KABANATA LXVI
Third Person's POV
Sumunod lang siya sa likuran nito habang panaka-nakang nakamasid sa paligid.
There's no electricity in any area. Just candles and torches to give light in their homes and paths. As for their water, Emris told her that there are countless arm-built wells in their village, and they are the nearest village to the shores of Grand Orleas—basically, water won't be a problem for them.
That explains why they have so many fresh caught seafoods and fishes. They seldom eat meat, according to Emris as well. Only on special occasions. Also because they lack manpower to hunt since the majority of the neutral warlocks in their village are young therefore haven't awoken their abilities yet. There are also older ones but they are more responsible in leading than doing physical labors.
Madalas ay si Emris ang namumuno sa pangangaso tuwing may espesyal na selebrasyon at kailangan nilang manghuli ng karneng lulutuin.
"Everly, dito!" Nabalik ang tingin niya sa sinusundang si Emris at hindi niya napansin na ang layo na pala nito sa kanya. Kaagad naman siyang tumakbo palapit dito.
Naningkit ang mata niya upang obserbahan ang malaking tila bodegang imprastrakturang iyon. Dahil may kalakihan ang pinto ay kita niya na medyo nahirapan si Emris na itulak iyon pabukas.
"Pasok ka." Nakangiti pa ding aya nito at tuluyan na nga silang pumasok sa loob. May hawak na lampara ang lalaki habang naglalakad sila papasok.
Bungad palang ng malawak na lugar na iyon ay nagulantang na siya.
"A–Anong..." Emris looked back at her, still smiling.
"Narito ang mga nilalang na kagaya mo ay dinapuan din ng isinumpang sakit. Ang aking ina maging ang ibang matatandang miyembro ng aming tribo ang kasalukuyang nagdurugtong sa kanilang buhay at pumapawi sa malaking porsyento ng sakit na kanilang nararamdaman." Paliwanag nito habang patuloy silang naglalakad sa hilera ng kama sa unang palapag.
Kusang umangat ang tingin niya hanggang sa ikatlong palapag ng lugar at siguradong hanggang doon ay puno din ng kama at mga nilalang na mayroon ng sakit na iyon.
Hindi biro ang ginagawang ito ng kanilang tribo. Bukod sa mataas na konsumo sa pagkain ay hindi birong pagod at pasensya ang kailangan nila para alagaan ang mga nilalang na iyon.
Despite their condition. She can see how comfortable each of them are. Some of them are still able to move and walk like a normal person. Some are reading some books, some are talking with each other and some are playing instruments to consume time—things that'll avert their attention from the illness and their suffering.
Nang mapansin sila ng mga ito ay hindi magkamayaw ang pagbati na kanilang natanggap. Pansin niya ang magagaang ngiting ibinibigay nila higit lalo sa kanya. Siguro sa pag-aakalang kapareho din siya ng mga ito.
"Maaari kang pumili ng nais mong pwesto Everly. Kung saan ka komportable." Usal nito sa kanya. Inikot niya naman ang mata sa paligid. Bumalik na sa kanya-kanya nilang ginagawa ang mga ito matapos silang batiin.
"Mukhang puno na sa una at ikalawang palapag. Kung iyong nais ay sa ikatlong palapag ka na lamang pumili ng iyong mapu-pwestuhan." Suhestyon ni Emris sa kanya na tinanguan niya na lamang.
BINABASA MO ANG
MY CURSED MATE
WerewolfA cursed appearance. A shattered destiny. A truth that could rewrite history. In the shadowed lands of Grand Orleas, EVERLY is a living symbol of fear and loathing. Her disfigured visage mirrors the incurable disease wrought by warlocks-servants of...
