| Finally, It's Over |

3.4K 110 4
                                    

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!



KABANATA LX

Third Person's POV

Back at Greyson's Mansion. Everly finally mastered the ability of teleportation. She was so happy and yet her heart felt so empty. She's been waiting for Greyson to come back so that they could at least talk but then there has been no sign of him.

"Do you think he was so busy with the current problem in the pack or is he just avoiding me?" Wala sa sariling usal ni Everly sa kanyang sarili habang nakaupo sa kama.

Hindi niya gustong paniwalaan ang mga salita ng impostor na iyon ngunit dahil sa mga nangyayari ay hindi niya mapigilang magdalawang isip. Siguro nga ay tama ito. Pabigat lang ang tingin sa kanya ng lalaki.

'Sinabihan na kitang maghintay Everly. Nalalapit na ang pagpapakilala sa iyo ng alpha, siguradong babalik at babalik din siya dito anumang oras.' Pangungumbinsi ni Eve sa kanya. Kahit papano ay kumalma naman siya.

Ngayon ay ramdam niya na ang pagod mula sa ilang araw na pagsasanay. Walang segundo ang nasayang na andito siya sa mansion. Halos hindi niya na nga maka-usap si Manang Linda. Abala din kasi ito sa pag-aasikaso sa mansion.

"Ija?" Rinig niya ang mahinang katok sa labas ng kanyang pinto. Pilit na tumayo siya sa higaan at binuksan iyon. Kaagad na bumungad sa kanya si Manang Linda, isang ngiti naman ang ibinigay niya dito.

"Ano po iyon?" Nagtatakhang usal niya dito. Alas onse na ng gabi ng mga oras na iyon.

"Maaari ba kitang makausap sandali?" Usal nito sa kanya na mahina namang tinanguan ng kanyang ulo. Mas nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto ng kanyang kwarto upang papasukin ito doon.

Sabay silang naupo sa kanyang kama. Kaagad na ginagap ng matanda ang kanyang palad.

"Masaya ako sa wakas ay nalalapit ka ng makilala ng ating pack Everly. Siguradong magagawa ka nilang tanggapin kalaunan dahil sa taglay mong kabaitan." Mas lumawak ang kanyang ngiti dahil sa sinabi nito. Kahit kailan ay hindi ito nagkulang sa pagpapagaan ng kanyang pakiramdam.

Puno man ng takot at pangamba ang kanyang puso sa ngayon naniniwala siya na magiging maayos din ang lahat. Hindi man niya kontrolado ang reaksyon ng buong pack handa naman siyang gawin ang makakaya upang tanggapin siya ng mga ito.

"Maraming salamat manang, dahil lagi ka pong nandyan para sakin. Ikaw ang pinaka-unang tao na tumanggap sakin sa kabila ng aking itsura." Usal niya dito at mahigpit na niyakap ang matanda na tumayo na ding magulang niya sa panahong naroon siya sa mansion. Itinuring siya nitong mahigit pa sa isang pamilya.

There's something wrong here Everly... Biglang usal ni Eve sa kanyang utak. Doon niya napansin ang unti-unting paghigpit ng yakap ni Manang Linda sa kanya.

"Did you really believe that?" Isang nakakakilabot na tawa ang pinakawalan nito sa kanyang tenga habang yakap pa din siya. Ramdam niya ang unti-unting pagbabago ng hugis ng matanda dahilan kung bakit buong lakas niya itong itinulak palayo.

It was her fake sister. Looks like it can shapeshift—which is a very dangerous type of magic.

Kita niya ang lawak ng pagkakangisi sa labi ng babae. Sa tuwing nakikita niya ang mukha ng kapatid na ninakaw nito ay hindi masukat ang galit na nararamdaman niya. Ngunit para sa kaligtasan ng kapatid maging ni Manang Linda ay pinipigilan niya ang sarili na sagutin ito.

MY CURSED MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon