| Cresentmoon's Worsening State |

3.4K 126 13
                                    

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!



KABANATA LXXV

Third Person's POV

"We need to take action against that tribe," Lord Helian grumbled in frustration.

As anticipated, another meeting was convened in the dark coven since they had discovered the cure for their ultimate cage for all creatures in Grand Orleas.

The chains that had successfully restrained nearly thirty percent of the world's creatures were now being dismantled by this small tribe—one they had only recently become aware of. They immediately began investigating everything about this insignificant tribe and now had even more reasons to eliminate it swiftly.

Nanatili namang tahimik si Lady Ganesha. Hindi niya inaasahan ang biglaang pulong na iyon, kaya hindi niya nasabihan si Zerta na pansamantala munang bumalik.

"Nasaan si Lady Zerta?" Tanong ng isa sa miyembro ng coven na madalas kasama ni Zerta. Kaagad namang nilingon ni Ganesha ang tingin dito.

"May isang importanteng bagay lamang akong pinagawa sa kanya. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya ng lahat ng mapag-uusapan natin ngayon." Isang tango lang naman ang ibinigay nito sa kanya.

Hindi niya mapigilang mailipat ang tingin kay Freda na noon ay inaasahan niya na ang tinging ibinigay sa kanya. Puno iyon ng suspisyon.

"Wala bang kahit isa sa inyong nakaisip ng paraan para patahimikin ang tribong iyon?" Pare-parehong nilang naituon ang atensyon kay Lord Casfir ng sandaling magsalita na ito.

At gaya nga ng inaasahan ay mabilis na tumayo si Freda sa kanyang kinauupuan.

"Wala ka ng dapat na ipag-alala sa maliit na tribong iyon Lord Casfir. Kasalukuyan ng gumagalaw ang aking mga tauhan upang wakasan ang bawat nilalang sa tribong iyon." Nakangising usal ni Freda dito.

Napayuko naman si Ganesha dahil siguradong matatagalan pa ang kanyang mga alaga sa pagtungo sa tribong iyon. Sana lang ay maunahan ng mga ito ang mga tauhan na sinasabi ni Freda.

"Soon, no one will ever try to make a move against us." Dugtong nito bago muling umupo.

Base sa kasiguraduhan sa boses nito ay mukhang may isang malaking plano ang naiisip ng babae. Wala naman siyang pake-alam sa kung ano mang planong iniisip nito.

As long as it does not involve her child then her so-called perfect plan is safe.





Nearly two days have gone by, and Everly remains unconscious.

Mayla has stayed by her side, regularly administering healing magic, but there has been little improvement in Everly's condition.

Everly remains in a coma, and troublingly, her body has reverted to its previous cursed state. They are uncertain whether this is due to the overexertion of her body from Weresfia's power or if the curse has simply resurfaced.

Sinubukan na din nilang ilubog muli sa tubig ng lawa ang katawan nito, ngunit walang nangyari. Tila ba hindi na rin tinatanggap ng katawan nito ang kapangyarihang nanggagaling doon.

Kaya naman wala silang ibang magawa kundi ang tulungan ito gamit ang kanilang sariling kapangyarihan.

"Sa tingin mo ba ay magigising pa siya?" Puno ng pag-aalalang tanong ni Emris sa kanyang likuran. Maging ito ay hindi din umaalis sa kwarto upang bantayan lang si Everly kung sakaling magising man ito.

MY CURSED MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon