| It Found Her |

3.2K 120 12
                                    

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!




KABANATA LXII

Third Person's POV

Tuluyan ng sumikat muli ang araw ngunit wala pang tulog si Everly. Magdamag niya ng sinusubukang alisin ang barrier na nilagay ni Greyson sa kanyang kwarto.

Iyon pala ang ibig nitong sabihin sa mga salita nito kahapon. Hindi talaga siya makakaalis kung hindi niya masisira ang barrier na iyon.

"Please... let me out." Nanghihina ng usal ni Everly habang paulit-ulit na kinakalampog ang pinto. Alam niyang naroon si Ophir at nagbabantay sa labas ng kanyang pinto.

Maging si manang Linda ay hindi makumbinsi ang lalaki na pakawalan siya. Wala pa siyang kinain magdamag, idagdag pa ang maghapong pag iyak niya. Wala ng lakas na natitira sa kanyang katawan.

Wala bang paraan para magamit kong muli ang kapangyarihan ni Weresfia? Usal muli ni Everly kay Eve na noon ay gumagawa din ng paraan paano niya mahihiram muli ang kapangyarihan ni Weresfia.

Unfortunately, Greyson's spell doesn't allow the use of magic from anyone within this room. Which means only those outside can dispel this barrier. Malungkot na usal ni Eve. Problemado na sila dahil mag-kakabilugan na naman ng buwan mamayang gabi.

Ibig sabihin ay mas maraming banta na naka abang sa kagubatan kung tangkain man nilang tumakas. Kaya naman kung may oras silang makatakas ng matiwasay ay ngayon na iyon, habang tirik pa ang sikat ng araw.

Isa pa ay nariyan din ang banta mula sa mga kalaban ni Greyson. Anong kasiguraduhan nila na kakayanin ni Ophir labanan ang mga ito? Halos muntik na nga itong bawian ng buhay noong may naganap na labanan sa mansion. Kung hindi pa siya sumali sa laban ay siguradong isa na lamang itong malamig na bangkay ngayon.

"Ophir please, I know you can hear me..." Pilit pa din niyang tawag dito mula sa pinto. Ngunit nanatiling tahimik ang paligid. Napadausdos na lamang siya sa pasalampak sa pinto dahil sa pagod at gutom.

Nanlalabo na ang kanyang paningin kaya ilang minuto lang ang lumipas ay tuluyan na siyang nilamon ng antok na kahapon niya pa pilit pinipigilan.






Kinahapunan sa Moonstone pack ay nag-uumpisa na ang pagdiriwang. Dumating na ang araw na pinaka-hihintay nila. Napuno ng iba't ibang ilaw at palamuti ang mga kalye, buhay na buhay din ang pamilihan dahil sa mga dayo.

 Napuno ng iba't ibang ilaw at palamuti ang mga kalye, buhay na buhay din ang pamilihan dahil sa mga dayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MY CURSED MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon