| Darkmoon's Attack on Nymeria's Tribe |

3.3K 118 12
                                    

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!


KABANATA LXXVI

Third Person's POV

"Maaari ba kitang makausap sandali, Jeremy?" Usal ni Nymeria ng sandaling makita niya ang Beta sa likod ng mansion at kasalukuyang abala sa pagsasanay sa iba pang mga kawal.

They all stopped in unison and looked at her. Some of them recognized her but most of them did not.

Kita niya ang pagtigil ng lalaki sa kinatatayuan. Tila ba ayaw nitong pagbigyan ang kanyang nais.

"Sa tingin ko ay may importanteng bagay tayong dapat pag-usapan. Pakiusap..." Dugtong niya dito. Dahilan kung bakit tuluyang binitawan ng lalaki ang armas at walang emosyong ibinaling ang tingin sa kanya.

"Follow me." Maikling usal lang nito bago dire-diretsong naglakad patungo sa isang direksyon. Tahimik namang sumunod si Nymeria dito. Nang mga sandaling iyon ay nabigyan siyang muli ng pagkakataon na pagmasdan ang bawat sulok ng mansion.

Ibang-iba na nga ang aurang bumabalot doon. Bilang na lang ang mga alipin at kawal na nakakakilala sa kanya. Lahat sa mga ito ay pare-parehong walang ekspresyon na nakapaskil sa mukha at diretso lamang sa paggawa ng kanilang mga trabaho.

"Ano ang iyong nais pag-usapan, punong Nymeria." Kaagad na tanong nito sa kanya ng sandaling marating nila ang pavillon kung saan ito nanunuluyan.

Nymeria is hesitant to go straight to the point without ensuring that whatever conversation they have will only be between the two of them.

"Don't worry, it's my place—it's safe." Seryosong usal nito sa kanya na tinanguan niya na lamang.

"Ano ba talagang nangyayari sa ating pack Jeremy?" Puno ng pag-aalalang tanong niya dito. Kita niya ang pagbabago ng emosyon sa mukha nito, napuno iyon ng pagod at kawalan ng pag-asa.

"Wala akong nagawa punong Nymeria. Napakabilis ng mga pangyayari at wala akong sapat na lakas upang tutulan siya." Problemadong usal nito.

Napakunot naman ang noo ni Nymeria sa sinabi nito.

"Sinong siya?" Nagtatakhang tanong niya. Doon ay muling nag seryoso ang ekspresyon nito habang unti-unti iyong inililipat pabalik sa kanya.

"That creature. The one who possesses our Luna's body right now." Seryosong sagot nito at tinitigan siya, tila ba nagtatanong kung hindi ba niya napansin ang kakaibang ugali ng kanilang luna.

Dahil doon ay napagtanto ni Nymeria na hindi lang pala siya ang nakapansin doon.

"She manipulated the entire pack, gradually making everyone obey her commands. I was powerless to stop her—I'm just a useless Beta who couldn't even save the alpha." Puno ng paninising usal nito sa sarili.

Ramdam ni Nymeria ang labis na desperasyon sa boses nito. Hindi niya lubos maisip kung gaano kasakit sa parte ni Jeremy na makitang isa-isang ginagamit ang mga miyembro ng pack na sinumpa niyang protektahan gamit ang posisyon na meron siya. Posisyong hindi man lang niya magamit.

"Mayroon bang paraan para matukoy ang pinagmulan ng nilalang na nasa katawan ng ating luna?" Usal niya dito na inilingan ng lalaki.

"I tried—I have hired all the highly skilled spies and investigators but none of them found anything about that creature." Nakayukong sagot nito.

Napaisip naman si Nymeria. Kung hindi kaya ng mga ordinaryong nilalang na alamin iyon, at maging siya ay wala din siyang ediya. Baka sakaling si Everly ay malaman nito kung anong nilalang ang nasa katawan ngayon ng luna at malaman nila ang paraan para mapa-alis ito doon at maibalik sa dati ang kanilang mga pinuno.

MY CURSED MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon