| Ganesha's Plan |

3.5K 135 7
                                        

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!




KABANATA LXXIII

Third Person's POV

Kung gayon ay totoo nga sila. Usal ni Everly sa sarili. Matagal na panahon na ding hindi nagpakita ang good coven. Magmula ng mamatay ang kanilang high priestess ay parang bulang naglaho ang mga ito.

Hindi naman maintindihan ni Everly ang dapat niyang maramdaman ng mga sandaling iyon. Kung totoo pala ang mga ito ay bakit hinahayaan lamang nila na maghirap ang kanilang nasasakupan sa kamay ng kanilang sariling kalahi?

Although their use of power differs greatly, both Evil and Good warlocks share the same blood. They are all warlocks capable of manipulating magic and casting spells. If anyone besides Weresfia should defend the world against the dark coven, it would definitely be the good coven.

However, they chose to hide. Everly didn't know if they were simply cowards or if there was a deeper reason for their sudden disappearance. Additionally, Greyson, who should have been leading them, chose to stay in the pack as its Alpha. That could be one of the reasons.

"Anong ibig mong sabihin Nefeli?" Hindi na mapatid ang kuryosidad sa mukha ng mga naroon. Maging si Everly ay naghihintay din ng paliwanag mula dito.

Pinakawalan muna ni Nefeli ang bigat na nararamdaman sa kanyang dibdib bago desididong pinaliwanag ang lahat.

"Ilang taon na din ang nakaraan magmula ng mapadpad ang Good coven sa aming pack. Dahil nga nag-iisang pack lamang ang Flinstone sa buong Grand Orleas na tumatanggap ng kahit sinong nilalang kahit pa anong lahi nito ay naisip nilang ang aming pack ang pinakaligtas na maging kuta ng kanilang grupo." Sumagap ito sandali ng hanging bago muling nagpatuloy.

"Dahil nga labis ang respeto ng mga nilalang sa Grand Orleas para sa kanila ay buong puso namin silang tinanggap sa aming teritoryo. Malawak ang lupaing sakop ng aming pack, at nagpasya silang sa pinakamalayong parte manatili, kilala ang lugar na iyon sa aming pack bilang sagradong lawa. Nagbigay sila ng proteksyon sa buong pack sa loob ng mga taong paninirahan nila sa amin, kaya naman bihira niyo lamang mabalitaan na magkaroon ng problema or sigalot sa aming pack." Mahabang paliwanag nito.

"Ngunit nagbigay sila ng isang kondisyon sa amin na walang dapat makaalam na doon sila nananatili. Sa aming pagkakaalam hanggang ngayon ay hindi pa din nila nakukumbinsi ang Alpha ng Moonstone na pumalit sa ina nito bilang bagong High priest ng Coven. Kaya hanggang ngayon ay nananatili pa rin sila sa aming pack." Muling umani ng tango mula kila Nymeria ang paliwanag ni Nefeli.

"Sa kabila ng kabutihang binigay namin sa pagtanggap sa kanila ay nanatiling matigas ang kanilang puso para tulungan ang aming anak." Biglang usal ni Zaugustus, bakas sa mukha nito ang galit at sama ng loob para sa Coven.

"Halos ilang beses kaming nagmakaawa na tulungan nila kaming isaayos ang lagay ni Lilura ngunit palagi na lamang pagtanggi ang natatanggap namin sa kanila. Aanhin namin ang kanilang proteksyon kung sarili naming anak ay hindi namin magawang tulungan at protektahan mula sa sakit na unti-unting kumukuha sa kanya mula sa amin?" Dugtong ni Zaugustus.

Napaisip naman si Everly sa sinabi nito. Siguro marahil wala ding ediya ang Coven kung paano matutulungan ang bata kaya hindi na sila nagdalawang isip na tumanggi. Ngunit kahit papaano ay sinubukan man lang sana nila na tulungan ito lalo na at ganito pala ka-seryoso ang lagay ng bata.

MY CURSED MATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon