Chapter 73

204 3 0
                                    

TYLER's POV

"Pero seryoso. Ano ba kasing pinag-uusapan niyo? Bakit may sinasabi pa siyang next time? Atsaka halata naman kanina na umiiwas ka sa kung saan ka man niya niyayaya. Sabi mo pa nga na, "you're a busy person", eh ni wala ka pa ngang itinerary."

Eh kasi naman, nalingat lang ako ng sandali. . may unggoy nang lumapit kay Anna! Ito namang isa, inentertain naman niya. Wala naman sanang masama sa pag-eentertain ng strangers kaso nga lang, . . Babae siya, lalake naman si unggoy, lalake rin ako. . . . Ah basta! Basta nakakainis yung itsura nila kanina! And the way that guy is looking at Anna?! Abay gustong gusto kong dukutin yung dalawang mata niya!

"Wala yun! Hayaan mo na yun noh! Hindi na babalik yun. Pagkatapos ba naman ng ginawa mo?" sagot ni Anna habang umiiwas ng tingin sa akin.

I am becoming more suspicious ng dahil sa ikinikilos niya. I held her hand closest to mine at agad naman siyang lumingon sa akin ng may gulat sa mata.

"Ayaw mo talagang sabihin ha? O sige. . . " agad kong kinuha ang cellphone na hawak-hawak niya atsaka ako biglang tumayo mula sa pagkakahiga. "Hindi ko ibabalik tong cellphone mo!" Sabay takbo ng mabilis palayo sakanya. Agad din naman siyang tumayo para habulin ako.

"H-HOY! TYLER! GIVE IT BACK!" Sigaw niya. Humarap ako sakanya habang patuloy parin akong tumatakbo patalikod.

"Ayaw ko nga! Sabihin mo muna sakin kung ano talaga ang pinag-usapan niyo ng unggoy na yun!" Binagalan ko naman ang pag-takbo ko kaya't nahabol niya rin ako kalaunan.

"Akin na yan!" Akma niyang hahablutin ang cellphone niya kaya't mabilis kong iniangat ito skywards.

"Edi subukan mong abutin kung kaya mo." Pang-aasar ko sakanya habang patuloy lang niyang inaabot ang cellphone niya. Dahil napagtanto niyang malayong mas matangkad ako kaysa sakanya at di niya ito basta-bastang maabot lang ay nag-umpisa narin siyang tumalon.

"A. kin. Na. Nga. Yan. Sabi. Eh!" aniya sa bawat talon pero bigo parin siyang maabot ito. Binigyan ko lang siya ng isang nakakalokong ngiti. Tumigil naman siya sa pagtalon at tinaasan niya ako ng kilay. "Hmp! Ako talagang sinusubukan mo ha?" Sabi niya atsaka niya ipinatong ang kaliwa niyang kamay sa kanang balikat ko at ginawa niya akong leverage para mas makatalon siya ng mabuti. Buong lakas niyang ibinaling ang bigat niya sa balikat ko saka siya tumalon. "Hiyaa!"

Nabigla ako sa ginawa niya kaya naman agad akong nawalan ng balanse. I immediately wrapped my arms around Anna to protect her from the fall.

*Boogsh!

"OUCH!! / ARAY!!" My breath was knocked out from my lungs. I felt a throbbing pain at my right foot and a sharp pain at my right hand but I ignored it.

Agad kong iminulat ang mga mata ko para icheck kung okay lang ba si Anna. "Are you okay?! Are you hurt?!" tanong ko sakanya while her face is just inches from mine.

I'm so worried about her. Paano nalang kung nasaktan siya?

"I'm fine Tyler. I'm fine." She said almost as a whisper. Her eyes is full of shock. . . . .and guilt. She averted her eyes from mine.

"Hey. .look at me." I placed my left hand at her cheek and slowly faced her in my direction. "It's okay. ." I assured her. "And don't ever look away from me. Ever. Hmm?" She slowly lifted her eyes to mine, nodded and smiled. I can't help but stare. I know that what I'm feeling is wrong, but I can't help it.

Drops of sweat are forming on her forehead.

Those eyes are the eyes that captured my heart from the very beginning.

status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon