Flashback
April 17, 2006
7:00 am
"Nay, nasaan po ba talaga ang tatay ko?" tanong ni Christian sa nanay niyang lasing nanaman.
"Di ba sinabi ko naman na sayo na PATAY NA SIYA?! Bakit ba paulit-ulit mong binubuhay ang ala-ala ng taong PATAY NA?!" sagot naman ng kanyang Ina saka ulit ito tumungga ng alak na iniinom niya.
"Nay, 12 years niyo nang sinasabi sa akin yan! Pero ni minsan, wala man lang kayong maipakitang picture o kahit sana man lang PUNTOD ng sinasabi niyong tatay ko'ng PATAY NA!"
"Bakit?! Pag nalaman mo ba na buhay siya PUPUNTAHAN MO SIYA?! SA KANYA KA NA TITIRA? IIWAN MO NARIN AKO TULAD NG GINAWA NIYA?!"
"Ano ba'ng pinagsasasabi niyo Nay?! Gusto ko lang malaman kung ano ba talaga ang totoo, BUHAY pa ba siya o PATAY NA?!"
"PATAY NA SIYA! PINATAY KO NA SIYA SA BUHAY KO! MANLOLOKO SIYA! INIWAN LANG NIYA TAYO! WALANG HIYA SIYA!" sabi ng nanay ni Christian saka niya pinagtatapon lahat ng gamit sa lamesang kina-uupuan niya.
Laging ganyan ang sagot ng nanay ni Christian sa tuwing magtatanong ito ng tungkol sa ama niya.
Sasabihin na patay na ito kahit wala naman siyang maipakitang pruweba, tapos sasabihin nito na iiwan na din siya ni Christian kapag nalaman niya kung sino ang tatay niya. Tapos babalik nanaman siya sa pagsasabing patay na ito at magsesentimyento na iniwan siya nito, na niloko lang siya at kung ano-ano pang hinanakit.
Mahirap lang sila Christian. Nakapag-aral lang siya ng elementarya dahil sa sipag at tyaga. Aral sa umaga, trabaho sa gabi. Tumutulong siya sa tapsilogan ni Aling Maria para may pang-baon siya kinabukasan. At ang kanyang Ina? Ayun, sugal sa umaga, inom sa gabi. Mabuti nga at nag-bibigay parin paminsan-minsan ang lola ni Christian ng pera nila pero winawaldas naman ng nanay niya sa bisyo.
Ang totoo niyan, may kaya naman talaga sa buhay ang pamilya ng nanay ni Christian. Ngunit magmula nung pinanganak niya ito, nag-umpisa na siyang magbisyo at naging pariwara sa buhay. Dumating ang panahon kung kelan nagsawa na ang mga magulang niya sa kaka-disiplina sakanya. Paulit-ulit nila siyang sinasabihan at pinapangaralan ngunit wala parin siyang ginagawang pagbabago. Isang araw. .
"Jessica, lumayas ka na sa pamamahay na ito at dalhin mo na rin pati ang anak mo. Mag-mula ngayon, tinatakwil ka na namin bilang anak! Mabuti pa nga siguro ang ganito para matuto ka ng tumayo gamit ang sarili mo'ng mga paa. Tutal, malaki naman na si Christian. Hindi mo na siya kailangang bantayan magdamag kaya maaari ka'ng maghanap ng trabaho na bubuhay sa inyong mag-ina. Siguro nga iniisip mo na masama kaming mga magulang dahil tinatakwil ka namin. Pero Jessica anak, gusto lang namin na umayos ka. Kalimutan mo na ang mga nangyari at mag-umpisa ka'ng muli. Ginawa na namin ang parte namin ng tatay mo para tulungan ka'ng bumangon pero hindi ka nakinig sa amin. Ngayon, kailangang tulungan mo naman ang sarili mo." sabi ng nanay niya saka nila siya sinaraduhan ng pinto.
Ma-pride na tao si Jessica. Kaya hindi na siya nag-makaawa sa mga magulang niya na tanggapin siyang muli sa pamamahay nila.
Isa rin ito sa dahilan kung bakit hindi niya natanggap noong nalaman niya na ang boyfriend niya'ng ama ni Christian ay isa palang. . .
. . BAKLA. Ang pangalan nito ay Anthony.
-- July 24, 1994
"Anthony buntis ako! Magkaka-anak na tayo!" sabi ni Jessica habang tuwang-tuwa ito sa balitang nalaman niya.
Isang taon palang na magboyfriend noon si Jessica at Anthony. Aksidente lang ang pagkaka-buntis nito. Wala pa sa plano nila ang magkaroon ng anak dahil nga sandali palang silang magkasama ngunit si Jessica, na-inlove ng sobra kay Anthony kaya natuwa siya ng malaman niyang nagkaroon na ng bunga ang pagmamahalan nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)
RomanceSi Tyler, matangkad, gwapo at maputi. Chick magnet! Pero isang babae lang ang gusto niya. Ang childhood friend niya. Pero di niya maamin dito na gusto niya ito dahil natatakot siya na baka mawala yung friendship at wala ding Love na papalit dito...