Chapter 34

351 3 0
                                    

CHRISTIAN'S POV

*DING! DONG! (Sound System)

"Paging Mr. Christian Beltran and Ms. Nicole Villa, please proceed to the College Department Office."

"Paging Mr. Christian Beltran and Ms. Nicole Villa, please proceed to the College Department Office."

*DING! DONG! (Sound System)

"Tsk! Lagot na. Sabi ko na nga ba na darating ang time na malalaman din ng school ang tungkol sa Police Record ko ng dahil sa Nicole na yun! Bwisit!"

Kahit mabigat ang loob ko, nag-lakad na ako papuntang office.

Ilang araw ko ng pinag-iisipan ang tungkol dito. Scholar kasi ako kaya meron akong reputasyon na dapat alagaan. Eh ngayon na nagkaroon na ako ng Police Record, baka magkaroon ng problema.

Habang naglalakad ako, nakasabay ko yung Nicole.

'Kasalanan mo ang lahat ng toh! Kung hindi ka sana naki-alam, edi sana di ako nagkaroon ng problema!'

Bigla siyang lumingon sakin.

'Hhmm?! Narinig ba niya yung iniisip ko? Bakit bigla siyang lumingon?'

Dahil tinitignan niya ako ng masama, abay tinitignan ko din siya ng masama!

'Aba'y ikaw pa tong masungit, eh ikaw na nga to'ng may atraso!'

Bigla siyang umarte na parang mayroon siyang naa-amoy sa paligid.

"Ano ba yung naa-amoy ko?! Amoy. .  .amoy. . . " lumingon siya sa akin. "Amoy 'masamang tao'. Kaya naman pala! Hmph!" sabi niya saka niya binilisan ang paglalakad. Ako naman, natigilan ako sa sinabi niya.

"What? Ako masamang tao? Tss! Nag-salita ang mabait!" binilisan ko rin ang lakad ko at nilakihan ko ang mga hakbang ko na naging dahilan para malampasan ko siya.

'Di ako papatalo sayo noh!'

Nagulat naman ako ng bigla siyang sumulpot sa tabi ko habang nag-lalakad din ng mabilis. Actually more of walk-jog na nga siya eh.

"Abay!" siyempre binilisan ko din yung lakad ko. Nag-walk/jog nadin ako. Kaso nag-jojoging na siya, edi jogging din ako,hanggang sa dumating ang point na tumatakbo na kami.

*takbo. . . takbo. . .takbo. . .

"Hhmmpt! Akong nauna! Umurong ka nga, di ako kasya oh!" nakakainis! Nauna naman kasi ako sa pinto ng office eh, pero sumingit pa siya! Dalawa tuloy kami na naka-ipit sa pinto ngayon habang nagtutulakan. Wala kasing tao sa office kaya walang sumisita sa amin.

"Akong nauna! Hindi ikaw!"

"Ako nga sabi!!"

"Ako!"

"Ako nga eh!"

"Ako!"

"AKO!" napalingon kaming dalawa sa likod namin dahil narinig namin ang boses ng pinaka-masungit na professor sa Academy.

Si Mam Morales.

Agad kaming umalis sa pintuan para bigyan siya ng way.

"G-gudmorning ma'am!" bati namin ng sabay sakanya.

"Mr. Beltran and Ms. Villa, what are you two doing? Why are you fighting over whose first on the door or not? Is this a competition?"

"N-no ma'am. Sorry ma'am."

status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon