Chapter 28

480 4 0
                                    

--A/N: Guys pasensya na kung matagal ang update. My grandfather died and I am so saddened by his death. Wala ako sa mood magsulat for the past days because of grief. May he rest in peace.

Anyway, here's the next chapter. ---

NICOLE'S POV  

"Anong oras na ba?. . 10:45 am na?! Haisst! Nag-start na yung isang subject ko, di na ako pwedeng humabol."

10:30 kasi ang klase ko bago ang lunchbreak. Pero dahil nga late na ako nakarating ng skul dahil sa bwisit na CHRISTIAN BELTRAN na yan!! Ay erase! erase! No bad words!

'Anyway, tambay nalang muna ako sa library.'

Bookworm ang lola niyo eh! Dean's Lister ata toh! Abay kahit may pera kami, iba parin 'yung achievement kapag alam mong naka-graduate ka ng dahil sa sariling sikap.

Naglakad na ako papuntang library. Habang naglalakad ako, may tumawag sa pangalan ko.

"Nicole! Uy Nicole! Bingi!"

'Ako bingi?! Sino ba 'tong antipatikong unggoy na tumatawag sakin ng bingi?!'

Nilingon ko ang unggoy na pinanggagalingan ng boses.

'Ay! Di pala unggoy. PANIKI pala.'

"Sinong tinatawag mong bingi paniki?"  

"Sino pa, edi ikaw!" sabay turo niya sa akin.

"Hhhmmpp! May sasabihin ka ba?! Kung wala, sinasayang mo lang ang oras ko sa mga non-sense na pang-aasar mo!" sabi ko kay Tyler atsaka ko na siya tinalikuran at naglakad na ulit papuntang library. Sumunod naman ang gag* at sumabay sakin sa paglalakad.

"Eto naman! Alam mo? sungit queen ka talaga! Kaya walang nanliligaw sayo eh! Try mo kaya magpaka-demure noh?"

'Aba! Ang loko, idinamay pa talaga ang lovelife ko?!'

"Ano ba kasing paki-alam mo kung walang nanliligaw sa akin?! Hindi ko naman kailangan ang mga lalake! Mga sakit lang kayo sa ulo!" sabi ko ng hindi lumilingon sa kanya at tuloy lang sa paglalakad papuntang library.

Nagka-boyfriend naman na ako dati pero alam mo 'yung mga highschool puppy love? Ganon lang. Ewan ko ba. Sabi nga nila, Tomboy daw ata ako. Pero HINDI NOH! 101% sure ako na I AM A GIRL!

"Eh baka kasi sakaling mabawasan yang pagka-masungit mo kung may nagpapakilig na sayo."

Napatigil ako sa paglalakad at saka ko siya hinarap.

"Alam mo Tyler, hindi naman ako masungit dahil lang walang lalakeng nagpapakilig sa akin. Masungit ako, dahil may isang lalakeng sumira ng araw ko. Actually hindi nga lang araw eh. Sa tingin ko sira na ang buong taon ko! Salamat sa lalakeng 'yon! Wag mo ng itanong kung sino siya, I don't want to say bad words." at saka na ako naglakad ulit.

"Wow! May pinag-huhugutan! Nga pala, maiba ako."

"Mabuti pa nga."

"Bakit ka nga pala nasa labas? Di ba may klase kayo? 10:55 palang oh? Wait! . . Don't tell me, si Ms. Dean's Lister nag-uumpisa na bang magrebelde? Hahaha!"

"Baliw! Na-late kasi akong pumasok. Wag mo ng itanong kung anong dahilan dahil wala ako sa mood magkwento at gusto ko nang kalimutan ang nangyari."

"Naks! Ang deep! Parang dialogue sa isang telenobela. Hahaha!"

Nilingon ko siya. Nakaka-bwisit eh! Dag-dag pa siya sa sakit ng ulo ko!

status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon