Chapter 32

355 5 0
                                    

"Whew! That was intense! I never thought na may gagawa ng talent na 'yun huh?And an elementary student at that!" sabi ko habang naglalakad na kami palabas ng Gymnasium.

"Oo nga! Kinabahan ako dun huh? Akala ko kanina naglagay siya ng alambre para pag-sampayan ng nilabhan, pero sarili pala niya ang isasampay niya!" sambit naman ni Kevin.

'Baliw talaga to'ng baklang to! Kung ano-anong naiisip na patawa!'

"Hahaha! Baliw ka talaga bakla! Akala ko naman kung ano na 'yung sentimyento mo eh. Kalokohan naman pala." natatawang sagot ni Nicole.

Nag-lalakad kami ngayon palabas ng Gymnasium. Katatapos lang kasi mag-showcase ng talents ng Elementary Department at sakto na Lunchbreak nadin kaya pinalabas na muna kami.

Yung pinag-uusapan namin? Yun lang namang nakakalokang Grade 2 pupil na nag-"Acrobatics".

Nung una, ang ginawa niya, nag-gymnastics muna siya. Stretch dito, stretch doon, Tumbling dito, tumbling doon. Nung kalaunan, nagpatong-patong na sila ng armchair sa stage. 5 na armchair yun. Tapos umakyat siya sa pinaka-tuktok at nag-"hand stand" ba naman! Edi windang kami.

Next na ginawa niya, nagkabit naman yung assistant niya ng alambre from one end to the other end ng stage with the height of 6-7 feet siguro. Siyempre bata pa yun noh, kaya mataas na 'yun. At ayaw kasi yata ng school na i-risk yung safety niya kaya hanggang ganon lang ang limit. Hindi pa talaga siya na-kuntento sa pag- hand stand niya, naglakad pa siya dun sa alambre! Walang harness yun huh?! Nagdra-drama pa siya paminsan minsan na parang muntik siyang nahuhulog pero hindi naman pala! Buti nalang wala ako'ng heart disease. Baka bumulagta ako sa gym ng wala sa oras dahil sakanya.

"Tama na nga 'yang usapan tungkol kay Alambre Girl. Nagtu-tugudugs my heart eh! Ang pag-usapan muna natin, kung saan tayo kakain! Nagkru-krugkrugs na my tiyan eh!" nagugutom na ako eh.

"Naku, sigurado ako na blockbuster ngayon dun sa KFC sa harap ng Academy. Malamang sa alamang, maraming students and outsiders ang kakain dun ngayon." sabi ni Kevin.

"Oo nga eh. So, saan na den tayo kakain? Di naman tayo pwedeng lumayo masyado kasi baka ma-late tayo sa time-in natin mamaya. Saan den tayo?" tanong naman ni Nicole.

"Edi dun nalang tayo sa may Kubo Zone." sambit ng isang boses sa may likuran namin.

Napalingon kaming tatlo sa kung sino 'yung nagsalita.

"Oh Tyler, Enzo! Andito pa pala kayo? Punta narin ba kayo kakain? Sabay na tayo!" (Nicole)

'Pati ba naman sa lunchtime makakasabay ko parin si Batman?!'

"Oo nga guys sabay nalang tayo. Sabi nga nila, The more---the Merrier!" excited na sabi ni Kevin.

'Hay! Basta talaga sa lalake, ambilis sumang-ayon ni Kevin.'

"Ang balak kasi sana namin ni Tyler, mag-papadeliver nalang kami sa Greenwhich tapos sa Kubo Zone nalang kami kakain. Atleast, di na kami pipila, di pa kami lalayo ng school."

"Uy! Nice idea papa Enzo! Beauty and Brains ka talaga!" puri ni Kevin. "Oh ano guys, game ba kayo sa suggestion nila? Ako game na game!" sabi niya sabay palakpak ng kamay.

"Ako, game ako. Wlang pili-pili, sa taong Hungry!" sambit ni Nicole.

'Sila na ang may kanya-kanyang saying. Yung isa, the more the merrier. 'Tong isa naman, walang pili-pili sa taong hungry. Ako din ba dapat meron?!'

status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon