Chapter 18 (Special Chapter)

531 4 0
                                    

Ang chapter na ito ay may nilalaman na tungkol sa Sexuality(Gay) discrimination. Ang mga nakasaad dito ay pawang kathang-isip lamang at hindi ibig sabihin na ganoon din ang opinyon ng author. Maging bukas po sana ang inyo'ng pag-iisip.

Nicole's POV

"Akin na nga yan!"

"IBALIK MO NGA SA AKIN YAN! Susubukan ko lang naman eh!"

"Hindi mo bagay to, sigurado ako! Kaya pwede ba? Bitiwan mo na kasi at ibigay mo nalang sa akin yan!"

Andito kami ngayon sa pathway papuntang Grandstand. Madami kasing puno dito na pwedeng silungan at may mga kubo pa na pwedeng pagtambayan. Tutal, breaktime naman kaya tambay-tambay din pag may time! Hinihintay namin si Anna kasi pumunta siya sa guidance office. May delivery daw para sa kanya.

Yung nag-aaway? That's Kevin and me. Pano naman kasi, akalain mo ba naman na bumili siya ng LIPSTICK?! Itra-try lang naman daw niya. Baka daw bagay!

'Sus maryosep!'

"Matte lipstick yan kaya sigurado akong maganda ang kalalabasan." sabi niya habang winawagay-way yung lipstick sa harapan ko.

"May matte-matte ka pang nalalaman dyan! Eh ano ngayon kung matte yan? Lipstick parin yan! Gusto mo ng matte?! Abay MATTE-tatamaan ka talaga sa akin pag ginamit mo yang lipstick na yan!!" sabi ko, saka ako ulit nakipag-agawan sakanya.

"Kontrabida ka talaga ng buhay ko kahit kelan Nicole! Bakit ba lagi mo nalang akong kinokontra sa mga gusto kong gawin?! Pagbigyan mo na ako. Di ko na nga matutupad yung lifelong dream ko na mabuntis eh, pati ba naman pagli-lipstick ko HINDI PARIN?!"

"Ah basta! Wag ka kasing magli-lipstick!" sabi ko habang nakikipag-agawan parin ako sakanya.

Bakit kasi siya magli-lipstick eh LALAKE NGA SIYA DI BA?! Kahit ba bakla siya, lalake parin siya!

'Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ba ang mga gwapo ngayon-bakla na at yung mga di naman masyado pinagpala ay sila pa ang malakas ang loob na maging playboy! Tsk! tsk! tsk!'

"Nicole bumitaw ka na! Naiinis na ako! Hindi na normal yang kinikilos mo huh? Ang pera natin, hindi basta bastang mauubos, pero ang pasensya ko, konting konti nalang! Angelica Panganiban- One more try." sabi niya with matching facial expressions pa.

'Bwisit na baklang to! Nagawa pang mag-quotable quotes?!'

At dahil masyado akong na-entertain sa kanyang dialogue,

. . . ayun, naagaw niya tuloy yung lipstick.

'Sige lang, kunyari di na kita aawatin. Pero susugurin kita when you least expect it!'

Tinitignan ko lang siya habang slowmotion siyang naglalakad ng patalikod at nakatingin sa akin.

'Sige pa. .Konti pa. . '

Humakbang ulit siya patalikod at saka tinanggal yung takip ng lipstick.

"ONE,"

Hakbang pa ulit saka niya nilapit yung lipstick sa labi niya, pero hindi niya ito idinikit. Para bang inaasar niya muna ako.

"TWO,"

Tuloy parin sa paghakbang patalikod si Kevin habang tinitignan ako ng mapang-asar na tingin.

'Akala mo ha?! Isa nalang!'

Humakbang pa ulit siya ng ISA. At akmang ilalagay na talaga niya yun sa labi niya. . . .

"THREE!!"

status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon