Chapter 37

309 2 0
                                    

"Uy Anna! Wag ka na ngang maki-chika diyan! Basahin mo na 'tong instructions natin!"

"Oo na Batman! SUNGIT!"

Kainis 'tong Tyler na to! Kala mo naman kung sino! Di pa ako nakakabawi sa ginawa niya kanina. Maghintay lang siya at may araw din siya!

"Oh, ito yung Instructions." inabot niya sakin yung envelope. Kinuha ko naman agad ito at binasa.

INSTRUCTION NUMBER 1 for CHALLENGE #5

Proceed to Obstacle Course #5.

----Makikita doon sa OC #5 ang Hanging Balloon Garden. Sa Balloon Garden makikita ang mga water  balloons na nakasabit sa over-the-head steels. Kailangan niyong putukin ang bawat balloon na may laman’ng tubig para makuha niyo ang colored chips sa loob nito. Kailangan niyong mangolekta ng 30 Red Chips para sa challenge na ito.

TANDAAN: Dapat nakatayo ka mismo sa ilalim ng balloon na puputukin mo. Hindi pwedeng mandaya dahil may Event Coordinator na magbabantay sainyo. LIGO-LIGO DIN PAG

MAY TIME! =)

YOU MAY NOW START! GOODLUCK!

"WHAT?! Sino ba ang gumawa ng mga challenges na ito? Masyado naman atang challenging!"

"Ano ka ba Anna. Tatawagin ba naman na "Challenge" kung hindi naman challenging? Hay naku!"

"Ikaw talag-. . "

"Wag nang maraming sat-sat! Tara na!" saka niya hinawakan ang kamay ko at hinila papuntang Obstacle Course #5

‘Talaga naman! Di pa ako patapusin!’

Pagdating naming sa OC#5. . .

“ Ito ang gagamitin niyo pantusok sa mga balloons. Pwede na kayong mag-start anytime. Goodluck!” sabi ni Jenny (event coordinator) habang inaabot sa amin ang balloon stick na may nakataling karayom sa dulo.

Nag-umpisa na kaming magtusok ng balloons. Ilang segundo pa lang ang nakakalipas,

. . .mukha na kaming mga basang sisiw.  

“Aaaarrrgghh! Nakakainis! Basang basa na ako pero wala pa akong nahahanap na Red Chip!” siguro naka-sampung balloons na ako pero wala parin akong nakukuha ni isa. “Ikaw Tyler, may nahanap ka na ba? Ako wala pa!” reklamo ko sakanya habang tuloy parin ako sa pag-putok ng mga balloons.

“ANNA!”

Nagulat ako ng biglang napasigaw si Tyler, pero hindi ko siya pinansin dahil alam ko naman na sesermonan niya lang ko kung bakit antagal kong maghanap ng Red Chip.

“OO na! Sige na, mabagal na ako! Pero hindi ko naman kasi makita yung laman ng balloons noh! Malay ko ba kung an-..” hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil si Tyler nasa harapan ko.

.

.

.

NAKA-TOPLESS!!!

‘HUWAAWW!! Ang ABS!

“A-anong g-ginagawa mo?! BAKIT KA NAKA-T-T-TOPLESS SA HARAPAN KO?!”  gaano ko man ka-gusto ang pustura niya ngayon ay kailangan kong mag-protesta. It’s visually distracting! “VERY” distracting!

“Tsk! Napaka-careless mo talaga!” sabi niya saka niya ipinulupot sa akin yung T-shirt niya. Agad ko naman ‘yon na tinanggal.

“ANO BA TYLER! Hindi ko kailangan ng damit mo! May sarili naman akong damit! Isuot mo na nga yan! Pinagpye-pyestahan na nila yang katawan mo!”

status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon