TYLER'S POV
DJ: "Okay guys, let's proceed to the Song Request. First stop is a song request from B."
'Ayan na yung pina-text ko kay Enzo kanina.'
Tama. Yan nga yung song request na tinutukoy ni Enzo kaninang tinanong siya ni Nicole.
Flashback
Nag-lalakad sila Tyler, Enzo, Nicole, Kevin at Anna papuntang Kubo Zone. Nauna na sa pag-lalakad sina Kevin, Nicole at Anna habang nagpahuli naman ng bahagya si Tyler at Enzo.
"Enzo pare, hingi naman ako ng pabor sayo"
"Anong pabor? Mahirap ba yan?"
"Hinde! Madali lang. Pwede ka ba'ng magtext sa Radio Program ng Song Request?"
"Song request? Eh ba't hindi nalang ikaw? May load ka naman di ba?"
"Hindi pwede pare kasi, andyan si Anna. Song request kasi ni B yun, dedicated sakanya."
"Ah. So isa yan sa mga pang-haharana mo kumbaga?"
"Parang ganon na nga. Send ko nalang sayo kung ano yung itetext mo."
"Sige."
end of flashback.
Yun ang dahilan kung bakit si Enzo ang nagtext at hindi ako. Hindi ko naman kasi inaasahan na makakasabay pala namin sila sa pag-kain ng lunch. Pero mabuti narin yun para makita ko ang reaksyon ni Baboy.
DJ: "Oooohhh!! Uma-arangkada ka nanaman mystery guy huh? Kung tama ang hula ko, dedicated mo ito para kay Ms. Anna.
.
.
.
. .Oh! sabi ko na nga ba eh! Sabi niya,
----I would like to dedicate this song to Ms. Anna Zolenn Ibarra. Gusto ko lang malaman mo na nakita mo ako kanina. Hindi mo lang ako basta nakita, naka-usap mo pa ako. Sabihin na nating nag-kita tayo in an unexpected situation. Anyway, this is for you. A song by Hunter Hayes, Wanted.---
'Maisip kaya niya na ako yung nasa unexpected situation na yun? Ilang unexpected situation ba ang nangyari sakanya ngayon?'
Pasimple akong nakatingin sakanya habang kumakain at kunyari ay wala akong paki-alam. Laking gulat ko ng makita ko'ng ini-angat niya ang paningin niya at tumama 'yon diretso sa akin. Buti nalang at mabilis ang reflexes ko kaya mabilis ko'ng nai-iwas ang paningin ko sakanya.
'Mukha ngang nag-uumpisa na siyang mag-isip kung ako nga si B. Handa na ba akong umamin sakanya kung sakaling tanungin niya ako kung ako nga ba siya? Hindi pa yata. Hindi pa ako handang mawala siya sa akin kung sakali mang lumayo siya dahil hindi ako ang "B" na inaasahan niya.'
DJ: Wow! Nice song choice Mr. B. Ms. Anna, you have a very interesting suitor! Here's Wanted by Hunter Hayes dedicated by mystery guy B to Ms. Anna Ibarra.
Now Playing: Wanted by Hunter Hayes
Habang tumutugtog ang kanta ay pinagmamasdan ko lang siya at iniisip ko na sana nakakarating sakanya ang mensahe ko sa kanta. Habang siya naman, kumakain lang, ngunit makikita mo ang ngiti sa kanyang labi at mga mata.
BINABASA MO ANG
status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)
RomanceSi Tyler, matangkad, gwapo at maputi. Chick magnet! Pero isang babae lang ang gusto niya. Ang childhood friend niya. Pero di niya maamin dito na gusto niya ito dahil natatakot siya na baka mawala yung friendship at wala ding Love na papalit dito...