Chapter 51

289 2 0
                                    

TYLER'S POV

"Woah! Sarap talaga maligo! Sarap ng tubig!" isa-isa nang umahon sa tubig yung mga co-participants ko.

Magmula kaninang umahon ako sa tubig after namin mag-away ni Anna, hindi na ulit ako bumalik doon. Nawalan na ako ng gana. Mabuti pa na magpalamig nalang muna ako ng ulo.

"Sayang noh? Gusto ko pa sana magswimming pero tirik na tirik naman na kasi yung araw! Baka naman ma-heat stroke pa tayo!" sabi ni Nicole na ngayon ay naka-upo na sa tabi ko.

"Oo nga gurl! Ang sarap ng tubig ng ilog. Heat Stroke? Nakalubog ka na nga sa tubig, mahi-heat stroke ka pa?!" sabi naman ni Kevin na tumabi din kay Nicole.

'Asan na kaya si Anna? Siguro nagmumuk-mok parin siya dahil sa pag-aaway namin kanina. Hay naku, parang bata talaga!'

"Oo bakla! Kahit ba nakalubog ka sa tubig, kung sobrang init ng panahon, pwede ka paring ma-dehydrate noh! Maliban nalang kung ini-inom mo yung tubig ilog."

"Well.  . .May point ka. Talagang pang-Dean's lister yang kokote mo gurl!" ibinaling naman ni Kevin sakin ang atensyon niya. "Eh ikaw papa Tyler, bakit hindi ka naman yata nag-swimming? Lumubog ka lang noong binuhat mo si Anna sa ilog pero di ka na ulit bumalik pagkatapos."

"Ah. . ano kasi. . Sumakit kasi yung ulo kaya nag-stay nalang ako dito si cottage. Nasaan nga pala si Anna?" kanina ko pa kasi napapansin na hindi nila siya kasama. Kahit nung pumunta sila kumuha ng mga shells, hindi rin siya kasama.

"Andun sa banda nung malaking bato. May hinahanap daw siya. Ewan ko kung ano. Or baka gusto lang talaga niyang mag-swimming pa."

"Oo nga gurl eh! Napansin ko nga na kanina pa siya hindi umaalis dun sa malalim na banda. Masyado atang na-excite sa pagligo sa ilog ang loka! O baka hinihintay niya na mag-transform siya ng Dyesebel o Alona. Baka gusto niya magpaka-sirena! Boom Panes! Hahaha!"

Mga baliw talaga tong kaibigan ni Anna. Pero ano nga kayang ginagawa ni Anna at hindi pa siya umaahon?

Tumingala ako at talaga namang tirik na tirik ang araw. Siguro 40º ang temperature ngayon. Okay lang kaya siya?

Napagdesisyonan kong puntahan nalang siya. Baka kasi pinapairal nanaman niya yung pagiging stubborn niya! Hinihintay niya siguro na mag-sorry ako. Hay! Hindi pa nga nagiging kami, nagkakaroon na kami ng ganitong away? Eh paano nalang kung naging kami na? I don't wanna think about it.

Naglakad na ako papunta doon sa malaking bato na sinasabi nila Nicole, pero wala akong nakitang Anna.

'Nasaan na kaya siya? Ah, alam ko na.'

Umakyat ako sa tuktok nung malaking bato. 20 feet ang height nun. Mayroon kasing akyatan kung saan pwede kang pumunta sa taas niya tapos mula doon, pwede kang mag-dive. Makikita mo din sa tuktok ang kabuuan ng ilog. Nang makarating ako sa taas pumwesto na ako sa dulo saka ko inikot ang paningin ko.

Noong una akala ko pinaglalaruan lang ako ng paningin ko. Baka dahil lang sa sobrang init kaya mayroon akong nakikitang parang katawan na nakadapa sa dun sa batohan kung saan nagmi-meet yung tubig ng ilog at lupa pero noong tinignan ko ito ng mabuti, pakiramdam ko nawala lahat ng dugo sa ulo ko at nanlambot yung mga tuhod ko.

'SI ANNA YUN! NAMUMUKHAAN KO YUNG DAMIT NA SUOT NIYA!'

Hindi na ako nagdalawang isip na tumalon mula sa kinatatayuan ko. Ito na yata ang pinakamataas na dinive ko sa buong buhay ko, pero hindi ko ininda ang takot para sa sarili. Bagkos ay natakot ako para sa kaligtasan ni Anna. Paano kung nahuli na ako? Paano kung. . . . HINDI! Ayaw kong mag-isip ng masasamang bagay.

status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon