Chapter 45

333 1 0
                                    

ANNA'S POV

After naming maka-uwi galing sa pamilihang bayan, tinulungan na namin si Auntie Rosel na maghanda ng hapunan.

"Anna pakibalatan naman itong luya at bawang. Pati narin itong papaya. Magluluto tayo ng tinola ngayong gabi. Namatay kasi yung isang manok namin dahil yata sa sobrang init."  

"Ayy, sayang naman po. Oh sige Auntie, ako na bahalang magbalat ng mga yan." kinuha ko na yung mga rekado at nag-umpisa ng magbalat, habang si Tyler naman nasa labas at nag-iigib ng tubig sa poso.

"Marunong ka bang magluto Anna?"

"Hindi po masyado auntie. Minsan tumutulong ako kay mommy, pero ni minsan di pa ako nagluto mag-isa. Eh kayo po? Sino nagturo sainyo?"

"Yung dati kong asawa ko ang nagturo sakin. Ang totoo niyan, nagtanan lang kasi kami. Noong nagsama na kami sa iisang bahay, wala na akong choice kundi ang matuto sa mga gawaing bahay. Lahat ng pinag-aralan ko nasayang lang dahil ang bagsak ko housewife. Tapos nabuntis pa ako agad kaya kinailangan talagang mas magtrabaho ng asawa ko para may pambili siya ng mga gamot at kailangan ko. Hindi ko noon inakala na ganito para magiging kahirap ang buhay namin. Siguro dumating narin sa punto kung saan napagod na ang asawa ko sa kakatrabaho pero parang wala naman kaming naiipon. Tama lang para sa isang araw ang sahod niya sa pagiging construction worker. Ngayon alam ko na, na wala talagang pupuntahang maganda ang pagtatanan, dahil sa bandang huli, pamilya mo parin ang tutulong sayo kapag naghirap ka na."

"Nasaan na po yung mga magulang mo?"

"Nandoon sila sa probinsya namin. Noong iniwan ako ng asawa ko, hindi na ako nagdesisyon na bumalik pa dahil nahihiya na ako sakanila. Ang lakas ng loob kong makipagtanan tapos ngayong nahihirapan na ako, babalik ako sa kanila? Ayaw ko na maging pabigat sakanila. Ginawa ko to kaya paninindigan ko ito."

"Ang tapang niyo naman po Auntie."

"Matututo ka talagang maging matapang kapag nasubukan mo na ang hirap sa hamon ng buhay. Maiba nga ako, ikaw, may boyfriend ka na ba?"

"Ah. . wala pa po. . Manliligaw palang po."   

"May pag-asa naman ba siya?" napa-isip ako sa tanong ni Auntie.

May pag-asa nga ba si B? Sa totoo lang sa tingin ko meron. Pero ayaw kong magdesisyon habang hindi ko pa siya lubos na nakikilala. Siguro kapag nagkita na kami at nakasama ko na siya personally, doon ko masasabi kung may pag-asa ba talaga siya.

"Uhm . .ano po Auntie, may pag-asa naman po siya. Pero gusto ko po na kilalanin muna siya ng lubos bago ako magdesisyon. Siguro pag nakita ko na siya at nakilala ko na siya ng personal, baka nga sagutin ko na siya." pagkasabi ko nun, narinig namin na may kumalabog sa likod ng bahay. Si Tyler pala, nabitawan niya yung timbang may tubig na hawak niya. Ayy! Clumsy!

"Anong ibig mong sabihin? Hindi mo pa siya nakikita?"

"Ah. . eh. . hindi pa po eh. . Weird noh auntie? Pero sabi niya gusto daw kasi niya na maging special ang pagkikita namin. Basta! Hindi ko po ma-explain.hehe"

"Iba na talaga manligaw ang mga kabataan ngayon. Noong panahon namin, kailangan munang magpaalam ng manliligaw mo sa mga magulang mo bago ka maligawan. Pero hindi naman kita hinuhusgahan Anna, shine-share ko lang yung experience ko noong panahon namin. Kaya nga nauso ang tanan sa amin noon."

"Sus! Okay lang po yun. Naiintindihan ko naman po yung ibig niyong sabihin. Ito na po yung mga pinabalat niyong rekado auntie." inilapit ko na sakanya ang luya, bawang at sayote kaya naman nag-umpisa na siyang magluto, habang ako naman, napagdesisyonan ko ng mag-shower.

status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon