TYLER'S POV
Naglalakad ako ngayon sa likod ni Anna. Kasi naman, ayaw niya akong kasabay. Nakakainis daw ako.
Pano naman kasi, ang sarap niyang asarin. Lalo siyang gumaganda pag naiinis at naasar.
Siya lang ang kilala ko na ganon.
'O baka naman kasi siya lang ang gusto ko kaya ganon?'
Sinali ko lang naman siya sa event commitee hindi lang dahil kailangan ko ng alalay,
'Dahil kailangan ko din siya. At gusto ko siyang makasama ng mas madalas. Para-paraan.'
Kailan kaya ako mag-kakaroon ng lakas ng loob na sabihin na sakanya ang tunay kong nararamdaman?
Sana SOON!
ANNA'S POV
'Nakakainis ka Tyler! Wala ka ng ibang ginawa kundi asarin ako! Buti nalang meron si B na nagpapagaan ng loob ko.'
"Oh, baboy dito na tayo sa Chapel. Ano ba'ng gagawin mo dito?"
'Sasabihin ko ba sakanya na may kukunin akong clue dito na bigay ng secret admirer ko? Wag nalang! Baka kantsawan lang niya ako.'
"Ah. . ano. . mauna ka na. Magdadasal ako."
'Magdadasal?! Ano bang rason yun?!'
"Magdadasal? Anong ipagdadasal mo na hindi mo na mahintay na matapos ang klase? May problema ka ba?" tanong ni Tyler na bahagyang lumapit sa akin at mukhang nag-aalala.
'Ipagdadasal ko ang kaluluwa ko dahil nag-sisinungaling pa ako sa harap ng chapel!'
"Problema? Wala noh! Pwede lang bang magdasal kapag may problema? Ang ipagdadasal ko. . . . .
. . Ikaw! Ipagdadasal ko yung kaluluwa mo at baka bigla ka nalang lumiyab dyan habang naglalakad ka papunta ng classroom mo!"
'Sus! palusot.com nanaman ako!'
"Grabe ka talaga Baboy! Lagi mong sinasabi na grabe ako bumanat eh ikaw kaya tong mas malala. Sige na nga, maiwan ka na dyan. Wag ka agad aalis sa classroom niyo mamaya ha? Hintayin mo ako, sabay tayo uuwi."
'Sabay kami uuwi?? Gusto niya ba ako kasabay sa pag-uwi?!'
"Sabay tayo uuwi? Bakit? Hindi mo ba kasabay yung MGA girlfriendS mo?"
"Girlfriend? Wala naman akong girlfriend. Sabay tayo uuwi kasi idi-discuss ko sayo yung event."
"Walang girlfriend kasi girlfriendSS ang meron?"
"Girlfriend nga wala eh, girlfriends pa kaya! Gamitin mo nga yang common sense mo. At saka bakit mo ba pinagpipilitan na may girlfriend ako?"
'Hala! Ako pa ang namimilit ngayon?! Eh siya nga tong nagsabi na may girlfriendS siya eh! Sinabi niya noon sa Resto!'
"Hala! Ako pa ang namimilit ngayon? Eh ikaw kaya tong nagsabi noon sa Resto! Sabi mo pa nga dun mo dinadala mga girlfriends mo!"
"Ah, yun ba? Hindi yun totoo! Biro ko lang naman yun. Si mommy ang lagi ko'ng dinadala doon kaya sanay na ako."
'So wala siyang girlfriend/s? YES! Ay este, . . Sabi ko na nga ba di un totoo eh! Sa ugali niyang yan? Imposible kung may makatagal sakanya!'
"Sinungaling ka talaga! Kanina nanaman nagsinungaling ka kay Sir Babasoro! Oyy, wag mong gawin yan madalas at baka maging hobby mo na yan Batman!"
![](https://img.wattpad.com/cover/11852110-288-k427100.jpg)
BINABASA MO ANG
status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)
RomanceSi Tyler, matangkad, gwapo at maputi. Chick magnet! Pero isang babae lang ang gusto niya. Ang childhood friend niya. Pero di niya maamin dito na gusto niya ito dahil natatakot siya na baka mawala yung friendship at wala ding Love na papalit dito...