Chapter 30

372 4 0
                                    

FOUNDATION DAY (DAY 1)

"Anna dun tayo sa Octopus!" yaya ni Nicole sa akin. Actually, more of, "PILIT" ni Nicole sakin. Pinag-hihila na ako eh, di pa man ako umo-Oo.

Foundation Day kasi ng Eureka Academy ngayon. This will be a 3 day celebration.

•DAY 1 (TALENT SHOW)

------As Usual, andyan ang walang kamatayan na Opening Ceremony. Pero ang Main Event--Maglalaban-laban ang lahat ng Department for the title of Mr. and Ms. "Pinagpala ng Talento" 2014. And with Department, I mean, Elementary, Highschool and College. Minumum of 5 and maximum of 10 Entries per Department.

Mero'ng 2 categories: Single at Group.

Kahit anong talent pwede. Singing, Dancing, Magic, Acting, Gymnastics, Drawing, Instrument Playing at kung ano-ano pa'ng mga talent ang maisipan nilang i-present.

Kina-gabihan, meron namang "Stage Play" na pwedeng panoorin. Siyempre with "Ticket" 'yun. Hindi paputchu-putchu ang mga gumaganap dun oy! Minsan, mga actors/actresses ng Drama Club ang nag-aact, pero kadalasan, mga "Professional Performers" ang gumaganap sa characters kaya may talent fee.

DAY 2 (SPORTS/GAMES FESTIVAL)

----- Maglalaban-laban ulit lahat ng Departments, but for the title of "Sports/Games Festival Champion".

Iniisip mo ba unfair? Kasi kalaban ng mga bata ay college students? No, it is not unfair. Ang mga games dito ay sari-sari. Meron 'yung mga usual sports na Volleyball, Basketball, Baseball, Badminton, Swimming at Marathon, pero hindi lang yun. Meron ding' Sack-race, Kalamansi Pass, Kiss the Card, Banana Eating, Sipa, Jackstone, Trip to Jerusalem at kung ano-ano pang parlor games na meron. It doesnt mean naman na dahil Elementary Department eh "bata" ang sasali. Pwede naman yung teachers ang lalaban.

•DAY 3 (SOCIALIZATION)

-----Dito sa final day gaganapin ang Awarding.  Mero'ng Cashprize at Meron ding Trophies. Dito rin ia-award ang "Overall Champion".

Ito rin ang araw na "pinakamasaya sa lahat" kasi ito ang aming "Free Day". Yung Day 1 at 2 kasi, meron ka'ng ipa-pasign na Attendance Card sa Class President para evidence na pumasok ka at sinuportahan mo 'yung department mo. Malamang sa Alamang, dapat din na andun ka sa Events na 'yon. Kasi pagka-resume ng klase, kailangan namin magpasa ng "Summary of Happenings" ng Foundation Day. Toxic noh?

Pero pag Day 3, halfday lang ang Awarding, kaya sa hapon? BAHALA KA NA SA BUHAY MO. Mag-rides ka all you want, tumambay ka sa Canteen at Booths para kumain, o kahit mag-lakwatsa ka lang sa loob ng Academy ayos lang, basta ang importante, nasa loob ka ng school. "Your Safety is our Priority" sabi nga ng School President namin.

Sa gabi? CONCERT AT FIREWORKS DISPLAY lang naman! Ito ang pinaka-favorite na activity ko sa lahat. Nag-enjoy ka na nga dahil sa Concert, mabubusog pa ang mata mo sa 30 minutes non-stop Fireworks Display para sa Closing Ceremony.

Pagdating namin sa Octopus Ride . .

. . blockbuster ang pila! Grabe! Lagi nalang ganito every year.

"Nicole sa iba nalang tayo. Yung kokonti ang pila. Mag-uumpisa na mamaya yung Talent Show oh! Baka naman maubos na 'yung oras natin sa pila palang." eh pano naman kasi, siguro pang-15 na pair kami sa pila. So in other words, number 29 at 30 kami sa pila.

status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon