status: its COMPLICATED! (Chapter 14)

595 3 0
                                    

Papunta ngayon sila Anna at Tyler sa B.tech dahil may "get together" sila Anna, Kevin at Nicole. Habang si Tyler naman pupunta doon para bisitahin ang bar tulad nga ng request sakanya ni Tita Yzah.

     

  

Tyler's POV

 

  

Kasalukuyan sa kotse ko. . .  .

   

  

*kruuu kruuu kruuu. . .

     

  

Tama! Nabi-bingi na ako sa katahimikan!

  

Paano ba naman kasi, walang nagsasalita sa aming dalawa ni baboy! Dinaig pa namin ang mga pipi at bingi sa pagde-dedmahan namin. Buti pa yung pipi at bingi nagsi-sign language, eh kami,

 
NO VERBAL LANGUAGE/ NO SIGN LANGUAGE/ NO LOOKING AT EACH OTHER PA!

 

    

Nahihiya pa siguro siya sa nangyari kaninang umaga. Ako din naman naiilang pa sakanya. Kaya nga hindi ko din siya matignan ng diretso. Baka kung hindi dumating si tita,

.

.

.

.

.

baka nahalikan ko pa siya.

   

 

***author's note:*****
"Gustong-gusto mo naman?!"

 

Tyler: "Uy! Author, wag mo naman akong binibisto! Baka mamaya nagbabasa pala si Anna ng stories mo eh! Hehe!"

*****************************

    

  
'Magpa-tugtog nalang nga ako. Kaninong USB ba to? Bahala na basta kanta, para lang hindi awkward..'

 

  

*Now Playing:
Everything has Changed by Taylor Swift

 

All I knew,
this morning when I woke,
Is I know something now,
know something now, I did'nt before.
 
  
"Wag yan! Pwede ba na palitan mo yung kanta? Please?" sabi ni Anna kaya naman bigla akong napalingon sakanya.
    
     

'Oh! Himala! Akala ko hindi na talaga siya magsasalita. Ano namang meron sa kanta na to at bakit gusto niya papalitan? Ngayon ko lang nga narinig ito tapos papa-palit na niya agad? Asarin ko nga muna.'
       

  
"At bakit ko naman papalitan baboy? May naa-alala ka ba sa kantang yan? Siguro "team song" niyo ng ex-boyfriend mo yan noh? Hahaha!" sabi ko saka ko siya tinawanan.

 

    

Pero kung totoo mang "team song"(CORNY!) nga nila yan ng ex-boyfriend niya, abay mabuti pang
ipa-BAN kung sino man ang kumanta niyan at nagsulat! Di ko pa man naririnig yung content ng kanta, NAIINIS NA AKO pag naiisip ko na may kanta siya para sa ibang lalake!

status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon