Anna's POV
"Hhhhhhmmmm. ." sambit ko habang nag-uunat sa kama na nakapikit pa ang mga mata.
'Hayyy! Sarap matulog! Ngayon lang ako nakatulog ng ganito kahimbing. Yung tipong di talaga ako nagising magdamag. First time to!'
Binuksan ko yung mga mata ko. Pero laking gulat ko ng mapansin ko na. . .
"Nasaan ako?!"
'Bakit iba yung paint ng ceiling, iba yung curtain, iba yung bed, iba yung lamp, iba yung door, iba yung chairs at higit sa lahat-----BAKIT IBA LAHAT-LAHAT?!
Tinignan ko ng mabuti yung buong kwarto.
'Nasaan nga ba ako?! Hotel ba to?! Bahay ba to ng friend ko?! O bahay ba namin to?! at higit sa lahat-----BAKIT NANDITO AKO?!!'
'Ano bang ginawa ko kahapon?--- Pumunta kami ng B-Tech kagabi pero di naman ako uminom ng hard drinks kaya hindi naman siguro ako nag-pass out dahil nalasing ako. Basta ang huli kong naa-alala ay yung pinalitan ko yung drinks nung babae sa bar tapos. . . Yun na yun. Hanggang dun nalang. Eh anong nangyari sakin?!'
'Parang ganito yung mga napapanood ko sa TV. Yung babae nagigising nalang na nasa ibang kwarto na siya at wala na siyang suot na damit.---- 'WALANG SUOT NA DAMIT?!'
Sinilip ko agad kung naka-damit pa ba ako.
Naka-damit naman ako, kompleto pa nga eh. Pero bakit---- IBA NA YUNG DAMIT KO?! SINO NAGPALIT SA AKIN?!
***Authors POV**
"Anna pwede ba. Itigil mo nga yang pagsisigaw sa utak mo! O.A lang?! Basta ang masasabi ko lang sayo, di ka na-rape.----NAINTINDIHAN MO?!"
Anna: "Ikaw kaya itong nagsusulat ng kwento! Di mo ba alam yung kasabihan na, "Bwisitin mo na ang lasing, wag lang ang bagong GISING!" Kainis to! ----- BALIW!!
*********
back to the story. . .
'Where's my phone? I need to check my phone! Baka nag-aalala na sila mommy.'
16 missed calls
--Enzo Gabriel (3 missed calls)
--Kevin Bading (5 missed calls)
--Nicole (5 missed calls)
--Mommy (3 missed calls)
20 messages
--Batman ( 2 text messages)
--Kevin Bading (5 messages)
--Nicole (5 messages)
--Enzo (3 messages)
--Mommy (4 messages)
'Sabi ko na nga ba eh!'
Chineck ko yung messages nila. Yung kay Kevin at Nicole sinasabi na umuwi na sila, na magtext ako sakanila pag makauwi na ako, kung nasaan na ba ako at kung bakit hindi ko sinasagot yung phone ko.
OO! parehas sila ng text. Ibang content lang pero prehas yung thought.
'Itong dalawang ito minsan parang aso at pusa. Pero di lang nila alam na parehas sila ng takbo ng utak.'
Text messages
From: Batman
~ Dito na ako sa bahay. Text me when you're home.
BINABASA MO ANG
status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)
RomantizmSi Tyler, matangkad, gwapo at maputi. Chick magnet! Pero isang babae lang ang gusto niya. Ang childhood friend niya. Pero di niya maamin dito na gusto niya ito dahil natatakot siya na baka mawala yung friendship at wala ding Love na papalit dito...