Chater 44

307 1 0
                                    

ANNA'S POV

Andito na kami ngayon sa Barrio. Ibinababa na namin yung mga bags namin mula sa baggage compartment.

"Okay guys, let's proceed to their Barangay Hall to have a courtesy call. Doon din ninyo malalaman kung sino ang makakasama niyo sa bahay na titirhan niyo. Follow me." announce ng isang kasama naming professor. Sinundan naman namin siya hanggang sa makarating na kami sa Brgy. Hall.

"Nicole sana tayo ang magkasama." sabi ko kay Nicole habang nakatayo kami sa covered court.

Bale yung Brgy. Hall nila, maliit lang siya na building tapos yung harap nun, Basketball court. Bale multi-purpose yung Hall nila.

"Oo nga." sagot naman niya.

"Announcement everyone. This is Mr. Pedro Bangayan. Siya ang Brgy. Captain ng Barrio." we said our hi's and hello's. "So ngayon niyo malalaman kung sino makakasama niyo sa bahay. Bale 1 boy and 1 girl each house para balance. Bubunot kayo ng names dito sa mga papel na hawak ko. Kung sino yung nabunot niyong pangalan, sila yung family na titirhan niyo. Sige na, bunot na kayo."

Isa-isa na kaming lumapit at bumunot ng papel.

---Rosel Calabeya

Agad naman akong lumapit kay Nicole at sinilip ko kung sino ang pangalan na nabunot niya.

"Sino kaya ang makakasama natin noh? Sayang, di pwede na parehas na babae." sabi ni Nicole. Nagsalita naman ulit yung isang professor.

"Okay guys, isa-isa kong tatawagin yung mga family, tapos lalapit kayo dito sa harapan kapag sila ang nabunot niyo."

Binanggit na ni Sir ang mga pangalan hanggang sa yung nabunot ko na ang binanggit niya

"Next is Mrs. Rosel Calabeya. Please proceed forward kung sino ang nakabunot sakanya."

Pumunta naman ako sa harap pero walang lalakeng lumapit kasama ko.

"Sino ang nakabunot sa boys kay Mrs. Calabeya?" tanong ulit ni Sir sa participants pero wala paring lumalapit. Ini-scan ko naman ang participants kasi baka sakaling merong lalapit pero wala parin.

"Sir! Sir! Ako po!" sigaw ni Tyler habang patakbong lumapit sa amin. "Pasensya na Sir, umihi lang po."

'Si Tyler ang partner ko?'

"Okay, balik na kayo sa pwesto niyo. Next is. . ." habang nag-aanounce si Sir ay bumalik naman na ako sa pwesto ko kanina - sa tabi nila Nicole at Kevin, habang si Tyler naman pumunta narin sa pwesto nila ni Enzo.

After mag-announce ni Sir, pinuntahan na namin yung bahay na pag-iistayan namin. Pero bago kami umalis sa Hall ay sinabi sa amin ng professor namin na yung partner namin ngayon, kung mayroon kaming kailangang tulong, sakanila kami magpasama o mag-patulong at wag sa ibang grupo dahil may sarili din silang trabaho. Ibig sabihin, kami lang talaga ni Tyler ang magtutulungan.

Pagdating namin sa bahay na pag-iistayan namin, kinamusta kami ni Ms. Rosel at ipinakilala niya sa amin ang dalawa niyang anak- kambal sila, girl and boy. Wala siyang asawa dahil iniwan daw sila nito noong malapit na siyang manganak. 26 years old daw siya noong nabuntis siya, at 30 years old na siya ngayon. Binuhay niya mag-isa ang mga anak niya at sa mga tulong pinansiyal narin na binibigay sakanila ng gobyerno. Nagtratrabaho daw siya bilang isang manikurista at nagtrarabaho din siya bilang taga-laba at kung ano pa mang tulong na kailangan ng iba na handa siyang bigyan ng sweldo.

"Magpahinga muna kayo. Dito nga pala kayo matutulog." itinuro niya kami sa nag-iisang kwarto ng kubo nila.

Gawa sa Nipa ang bubong nila at sa mga kawayan naman ang ding-ding. Ang sahig nila, walang semento kundi gawa lang din sa kawayan. Ang kusina nila nasa labas ng bahay. Wala silang gas stove at kahoy ang gamit nila sa pagluluto. Wala din akong nakikitang gripo sa bahay nila. Sa pump well daw sila nag-iigib ng tubig. Nasa labas din ang banyo nila. Ang ding-ding nito ay natatakpan lang ng mga tarpaulin na ginamit ng mga pulitiko noong eleksyon, at ganon din ang pintuan nito. Wala itong bubong, pero mataas naman ang pader.

status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon