Chapter 62

330 3 0
                                    

"Ito kaya?"

  

 

"Ayaw nila yan."

  

 

"Eh ito?"

 

 

"Ayaw din nila yan."

  

 

"How about this one?"

  

 

"Ayaw din."

  

 

"Eh ayaw naman nila lahat eh! Sigurado ka bang lalaki yang reregaluhan natin? Baka naman kaya puro ayaw nila yung pinipili ko eh kasi nasa Women's department yung gusto nila?"

  

 

Nandito kasi kami ngayon sa mall dahil bibilhan daw namin ng regalo yung may birthday. Kaso lahat naman ng damit na sina-suggest ko, nirereject niya. Hmmp!

  

 

"Basta. Andami mo pang reklamo diyan eh. Pumili ka nalang. Di ba sabi ko naman sayo yung parang mga sinusuot sa K-pop. Yung colorful tapos madaming graphic designs at may mga abubot. Maarte yung dalawang yun."

  

 

"Eh kanina pa ako namimili ng colorful na may graphic design at abubot, pero wala ka namang ina-approve! Okay. Eto?"

  

 

"No."

  

"Eto?"

  

"No."

  

 

And so on, and so forth.

  

Nakapili din naman kami kalaunan ng damit, kaso ang masaklap YUNG UNANG PINILI KO, EH YUN DIN NAMAN PALA ANG PIPILIIN NIYA! BWISIT! PINAGTRIPAN NANAMAN NIYA AKO.

  

 

Nag-taxi na kami papunta dun sa venue. Wala daw kasi yung kotse ni Tyler dahil dinala niya sa autoshop noong isang araw.

  

 

Dumating kami sa venue ng 6pm.

  

Imbes kasi na Lunch yung party, nilipat nalang ng dinner. Something came up daw kasi, kaya ayun, naging dinner. Sabi ko kay Manong Edu --- yung family driver namin, na sunduin nalang niya ako kina Tyler mamayang gabi. Di din daw kasi ako maihahatid ni Tyler sa bahay kasi may scheduled lakad daw siya tomorrow ng maaga. Eh since malayo tong tinitirhan niya sa bahay namin, baka abutin pa siya ng madaling araw kapag nagbyahe pa siya back and forth. Kaya ganon na nga ang nangyari.

  

 

"Manong dito na po." bumaba kami sa harap ng isang 10 feet stainless steel gate.

status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon