Chapter 20 (Christian's past cont.)

423 5 0
                                    

--cont.--

April 17, 2006

7:00 pm

Naglalakad na si Christian pabalik ng bahay nila. Pagkatapos kasi niyang maglakad sa kung saan-saan, narealize niya na hindi niya kayang iwan ang Ina. Binabalak din niyang humingi ng tawad para sa mga nasabi niya na hindi naman talaga niya sinasadya. Nadala lang siya ng galit kaya nasabi niya ang mga yun.

"Christian! Christian!" sigaw sa kanya ni Aling Maria habang tumatakbo ito palapit sa kanya.

Dali-dali naman niya itong sinalubong.

"Oh Aling Maria, bakit po? May problema po ba kayo?!"

"Si Jessica Christian! Ang iyong Ina!"

Hindi na pinatapos ni Christian si Aling Maria at dali-dali na itong tumakbo pabalik sa bahay nila.

Habang papalapit siya ng papalapit dito ay mas naaaninag niya ang mga taong nagkukumpulan sa harap ng bahay nila.

Pabilis ng pabilis ang takbo ng puso niya. Ngunit ng makarating siya sa bahay nila ay siya namang kabaliktaran.

Parang tumigil ang oras. . .

"Nay! INAY!"

Naabutan niyang nakahandusay sa sahig ang Ina at may laslas sa kanyang pulso. Hindi narin ito humihinga, at isa na lamang siyang malamig na bangkay.

"Naaayyyy!! Bakit?! Bakit kayo nagpakamatay?! Bakit hindi niyo ako hinintay makabalik para sana napigilan ko kayo?! Para sana nakahingi ako ng tawad sa mga nasabi ko! Naayy!! Gumising ka! Di ba nga nay, sasabitan mo pa ako ng medalya kapag naka-graduate na ako ng highschool? At magiging proud ka sa akin kapag magtatapos na ako ng kolehiyo?! Naayyy!! Naaayyy!! Bakit ka nagpakamatay. . . . ngayong kaarawan ko pa." sambit niya habang sa loob-loob niya ay sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkamatay ng Ina.

Lumipas ang mga araw hanggang sa nailibing na ang nanay ni Christian. Ang lolo at lola niya ang nag-asikaso sa libing ng Ina. Humingi narin sila ng tawad sa mga kasalanang nagawa at napagdesisyunan nilang kupkupin na si Christian. Kaya magmula noon ay iniwan na niya ang dating apartment at tumira na siya sa bahay ng lolo at lola.

Isang buwan na ang nakakaraan ng nagkalakas ng loob si Christian na tanungin sa kanyang lolo at lola kung ano ba talaga ang nangyari sa kanyang Ina at Ama. Kwinento sa kanya ng kanyang lolo at lola ang nakaraan at noon niya naintindihan kung bakit nagka-ganon ang Ina. Magmula noon. . .

kinamumuhian na niya ang mga "bakla". Lalong lalo na ang kanyang sariling ama.

Isang araw. .

"Asan na ba yung mga lumang notes ko? Nandun pa naman yung kailangan ko na formula ngayon! Tsk!"

Kasalukuyang naghahanap si Christian ng mga luma niyang notebook sa bodega nila.

"Not this. . not this. . not. . .what's this?"

Mayroon siyang nakitang lumang litrato. Litrato ng kanyang Ina kasama ang isang lalake. Lalakeng ngayon lang niya nakita. Lalakeng kahawig na kahawig niya.

'Siya kaya ang tatay ko?'

Binaliktad niya ang litrato at nakita naman niya na may nakasulat dito.

Note:

To: Jessica Beltran/Anthony Villa

March 9, 1994

Thanks for coming on our wedding day. Here's your photo souvenir.

From: Gian and Guia

---end of note---

status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon