CHRISTIAN'S POV
"Christian here! Buksan mo na dali!" dali-daling ibinigay ni Star sa akin ang instruction for our next challenge. Binuksan ko naman agad ito at binasa ng malakas.
INSTRUCTION #1 for CHALLENGE #4
Bumalik sa Grandstand.
Makikita doon ang Path of Wheels. Kailangan niyong malampasan ang obstacle na iyon gamit lamang ang lakas ng isang player. Papasanin ang isa, at maglalakad naman ang isa. Sa dulo ng obstacle na ito makikita ang box kung saan niyo bubunutin ang inyong next challenge. YOU MAY NOW START. GOODLUCK!
"Tara na guys, sa Grandstand ulit tayo."
Habang tumatakbo kami papuntang Grandstand nag-formulate na kami ng plano ni Nicole. More of "nag-bangayan" kami hindi nag-plano.
"Hoy Christian, ako ang pasanin mo ha? Di naman kita kayang buhatin noh!"
"May magagawa pa ba ako? Ilan ba kilo mo?" atleast man lang mapaghandaan ko kung gaano kabigat yung bubuhatin ko. Baka mamaya mukha lang pala siyang sexy pero siksik naman pala!
"Ano ka ba! Wag na wag mo'ng tinatanong sa isang babae ang weight niya! Nakaka-offend kaya!"
"Sus! Ang arte naman! Anong nakaka-offend dun? Nagtatanong lang naman ako eh. Ma-offend ka kung nilait kita! At isa pa, babae ka ba?" at saka na ako nauna ng takbo sakanya. Alam ko na may isasagot din siya sa akin kaya di ko na siya binigyan ng chance na makapag salita pa.
"H-hoy antipatiko! Hintayin mo ako!!"
Pagdating namin sa Grandstand.
"Sakay na! Dali!"
"Oh, wag kang mana-natsing ah? Patay ka sa akin!"
"Wow naman! Ang lakas naman ata ng hangin bigla! Wag kang mag-alala dahil hindi kita pag-nanasaan kahit kailan! Ok lang din naman sakin kung ako nalang yung pasanin mo eh. Madali naman akong kausap."
'Dami mong arte!'
"Abay loko ka ah! Sige na! Dami mo pang sinasabi diyan!." sabi niya saka siya biglang sumakay sa likod ko ng walang sabi-sabi.
*Boogsshh!
"Ouch! Ano ba Christian?! Ang lampa mo naman!"
Bumagsak lang naman kaming dalawa.
Abay ako pa talaga ang lampa?! Eh bakit kasi siya bigla biglang sumasakay ng walang pasabi? Hindi tuloy ako nakapaghanda sa bigat niyang mala-balyena pala.
"Ako pa talaga ang lampa?! Mag-sabi ka kasi kung sasakay ka na para makapag-handa ako. Ambigat mo kaya!" pero ang totoo niyan, hindi naman talaga siya mabigat. Sinasabi ko lang yun para mainis siya.
"Hhmmpph!! O siya! Sasakay na ako!"
Umupo ako saglit at saka ko na siya pinasan sa likod ko. Pagdating namin sa dulo ng path of wheels. .
"Yun po'ng pinasan, bunot ka po ng isang challenge."
Inilapit niya kay Nicole ang isang fishbowl na may mga lamang envelopes.
"Ang nabunot niyo ay Challenge #3. Ang gagawa po nito ay yung bumunot. Ibig sabihin, ikaw Ms. Nicole. Si Christian kasi ang nagbuhat sayo kanina kaya ngayon, ikaw naman ang gagawa ng challenge. Bunot ka ulit dito sa isang fishbowl."
Tulad nung naunang fishbowl, may laman na envelope din itong isa pero iba't-ibang color. Yellow ang nakuha niya at may nakasulat dito na ONE THOUSAND pesos.
BINABASA MO ANG
status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)
RomantiekSi Tyler, matangkad, gwapo at maputi. Chick magnet! Pero isang babae lang ang gusto niya. Ang childhood friend niya. Pero di niya maamin dito na gusto niya ito dahil natatakot siya na baka mawala yung friendship at wala ding Love na papalit dito...