"ANNA?! Ano'ng ginagawa mo dyan?!"
Paano ba naman kasi---nadatnan ko siyang nakadapa sa sahig ng restroom habang ang kalahati ng katawan niya ay nasa loob ng cubicle at ang kalahati naman ay nasa labas ng cubicle habang nakasara ang pinto.
'Nai-flush din ba niya utak niya sa inidoro kaya di niya maisip na gamitin 'yung pintuan?'
"T-TYLER? Mabuti nalang napadaan ka. Halika dali! Tulungan mo ko dito! Nakulong kasi ako kaya dito ako lumalabas." utos niya habang patuloy parin siyang umuurong paunti-unti palabas.
GRABE! Epic talaga ang itsura niya ngayon! Hahaha!!
'Teka!. . Parang maganda to pang-selfie ah?Bwahahaha!!(evil laugh)
Nilabas ko yung cellphone ko para gamitin pang-kuha ng picture niya.
"Tyler pwede ba?! Pwede ba'ng mamaya ka nalang mag-text dyan?! Ako muna ang unahin mo please?!"
Hindi ko siya pinansin at pumwesto na ako sa tabi ng ulunan niya para kumuha ng picture.
"Hoy! hoy! hoy! Anong gagawin mo?!"
"Baboy mag-selfie tayo. 1, 2, 3, SMILE!"
*CLICK! (Camera Shutter)
"WALANG HIYA KA TYLER!! Makalabas lang ako dito, lagot ka sakin!!" nang-gagalaiti na siya sa galit habang ako naman---tuwang-tuwa sa picture naming dalawa.
"Seriously Anna? Nagawa mo pa talagang mag-'peace sign' at mag-smile despite ng pwesto mo'ng yan? Ibang klase ka talaga! Hahaha!" hindi ako nag-bibiro. Naka-peace sign talaga siya at naka-smile pa.
'Kakaiba ka talaga Anna. Kaya love kita eh!'
"Siyempre naman noh! Pangit na nga ang Angle, pangit parin ang Posing? Pero teka!. . wag mo ngang iniiba ang usapan! Tulungan mo na nga kasi ako dito para masabunutan na kita ng bonggang-bongga!"
"A piece of advice Baboy. Kung hihingi ka ng tulong,dapat hindi mo trine-treaten yu'ng magiging hero mo. Sige ka, lalayasan kita dito." syempre biro ko lang 'yun.
"Uy! uy! uy! Wag naman oh?! Sige na kasi Tyler tulungan mo na ako. Nangangawit na yung paa ko dito oh! Please?" sabi niya with matching "beautiful eyes" pa.
'Naku Anna. Itigil mo nga yang ginagawa mo'ng pagpapacute. Baka di ko mapigilan, mahalikan pa ulit kita diyan. Ngayon---gising naman.'
"Mag-promise ka muna, di mo ako sasaktan IN ANY WAY pag nakalabas ka dyan." Mahirap na, may pagka-Amazona pa naman 'tong babaeng to.
"Promise, hindi kita sasaktan IN ANY WAY kapag nakalabas ako dito." naka- "I swear" sign pa siya habang sinasabi yan.
"Promise, di mo buburahin ang picture mo sa cellphone ko."
Syempre souvenir ko yata 'to. Ito ang "first ever" picture namin together. Ito ang ilalagay ko na Front Page ng Scrapbook namin kapag naging kami na "officially". Yiiieeehhh!! Nakakabading ma-inlove!!
"WHAATT?! Are you serious?! Baka gamitin mo pa pang-blackmail sakin yan noh!"
"Ayaw mo yata eh! Alis nalang ako." tumayo na ako at nag-kunyaring aalis na ng banyo.
"PROMISE! PROMISE! Hindi ko buburahin yung picture ko sa cellphone mo. Oh! Nag-promise na ako. Dali na please. Ilabas mo na kasi ako Tyler."
"Last na to."
"MERON PA?! Ano ba'ng tingin mo sa akin, GENIE?! 'You have 3 promises' GANON?!"
BINABASA MO ANG
status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)
RomanceSi Tyler, matangkad, gwapo at maputi. Chick magnet! Pero isang babae lang ang gusto niya. Ang childhood friend niya. Pero di niya maamin dito na gusto niya ito dahil natatakot siya na baka mawala yung friendship at wala ding Love na papalit dito...