Chapter 48

283 1 0
                                    

TYLER'S POV

"Umurong ka nga! Ang init na nga Anna, siksik ka pa ng siksik sa akin."

Kanina pa ako naiirita dahil kanina pa ako tinutulak ni Anna palapit sa pader. Ang pwesto kasi namin sa pagtulog, ako yung nasa may bandang malapit sa pader at siya naman sa tabi ko.

Kagabi, maayos naman yung pwesto naming matulog. Isa ang unan ko habang siya dalawa. Di daw kasi siya makatulog na walang yakap na unan. Tig-isa din kami ng kumot tapos dahil medyo mas maluwang naman kaysa sa dalawang tao yung kwarto, may space sa pagitan namin.

Pero sa di ko malamang dahilan ay pilit siyang nakikipag-siksikan sa akin ngayon. Nakaharap ako sa pader habang nakaharap naman siya kabila. Pilit niyang idinidikit yung likod niya sa likod ko at itinutulak niya ako.

"Anna alam ko na gising ka! Kaya pwede ba? Umurong ka nga!" singhal ko sakanya saka ko siya pilit na itinutulak palayo. Pero pekeng hilik lang ang tangi niyang sagot sa akin.

"Kkkkkrrrrrcccckkk!!"

"Alam ko na peke lang yang hilik mo dahil hindi ganyan humilik ang isang baboy." bigla naman siyang tumigil sa pag-hilik. "Natamaan ka noh? Sabi ko na gising ka pa eh." pero bigla nanaman siyang nagkunyaring humihilik at kunyari ay hinahanap niya yung pwesto niya pero patulak naman sa akin.

"Kkkkkrrrrrcccckkk!!"

Konting konti nalang ang pagitan ko sa pader. Pasalamat siya at babae siya kaya hindi ko siya tinutulak ng malakas.

"ANNA!" singhal ko ulit sakanya dahil talagang malapit na akong umabot sa limitasyon ng pasensya ko. Gusto ko ng magpahinga dahil napagod ako sa pagtulong sa construction site kanina tapos ganito pa ang aabutan ko sa bahay?! Tsk!!

"Anna pwede ba! Marami akong mga bagay na gustong halikan, pero HINDI kasali ang pader doon!! URONG!" saka ko siya tinulak ng malakas kaya naman napasubsob siya dun sa mga bag namin.

"ARAY!!!" singhal niya "Grabe ka naman makatulak!!" saka siya umupo at hinarap ako. Ako naman humiga na ako ng tuwid at ipinikit ko na ang mga mata ko. Humiga naman siya ulit saka nanaman niya siniksik yung katawan niya sa akin.

"TSK!! Talaga naman!" hindi ko na siya matiis kaya bumangon ako at naupo. "Wala ka bang balak patulugin ako?! Pagod ako Anna! Ikaw kaya magtrabaho sa construction site! Alam ko na saka ka lang ganyan kapag naiinis ka, so sabihin mo nga sa akin kung anong nagawa ko sayo at bakit pilit mo akong ipinapahalik sa pader?"

Magmula kasi bata kami, ganyan na ang style ni Anna kapag nabwibwisit siya. May gagawin siyang nakakainis pero hindi ka naman niya kakausapin kung makikipag-usap ka sakanya. Magkukunyari lang siyang di ka niya narinig at busy busy-han pa.

"Kkkkkrrrrrcccckkk!!"

"Tsk! Hay!" napapabuntong hininga ako ng dahil sakanya. "Anna, naiinis ka ba sakin dahil lagi kitang inaasar nitong mga nakaraang araw?"

"Kkkkkrrrrrcccckkk!!" hindi na ako makabalik sa paghiga dahil inoccupy niya yung buong higaan namin. Yung katawan niya, nasa bandang higaan ko tapos yung paa at mga kamay niya naka-stretch naman sa higaan niya.

"Pasensya na, okay? Wala naman kasing libangan dito sa Barrio, kaya ikaw tuloy ang nagiging entertainment ko." bigla naman siyang umupo. Bale nakasandal ako sa pader habang siya naman sa mga bagahe namin.

"So ano ako sa tingin mo, laruan na pwede mong paglaruan anytime na nababagot ka?, or clown, na magpapatawa sayo? Alam mo hindi ko kasi talaga maintindihan kung bakit sa tagal na nating magkakilala, hindi parin ako sanay sa mga pang-aasar mo. At kung bakit hanggang ngayon, hindi ka pa nagsasawa sa pang-aasar sa akin! Nakita ko pa sa wallet mo yung picture natin nung nakulong ako sa banyo. Tinago mo pa talaga yun para pwede mo akong iblackmail anytime."

status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon