Lumipas ang panahon at mayroon ng mga pusong tuluyan ng nahulog at umibig.
Mayroon ding mga pusong patuloy parin sa paglimot ng pag-ibig na nasawi.
4 months later. . .
December 20, 2014
"Grabe! Ung totoo? Kailangan talaga sa malayo? Tapos sikreto pa! Aaiiisshh! Kainis ka talaga batman! Saan ka ba nakatira? Baka naman mali itong binigay ni Nicole na address sakin!" kasalukuyang hinahanap ni Anna ang tirahan ni Tyler. Noon kasing nag-resign na siya sa B-tech ay lumipat narin siya ng tirahan.
Naisip kasi ni Tyler na mas madali siyang makakalimot kung lalayo na talaga siya ng tuluyan. Ang tanging pinagsabihan niya lang ng bago niyang address ay si Nicole na ngayon ay "semi"-bestfriend na niya.
"Sabi sa text ni Nicole Apartment no. 5 daw. . 1, 2, 3, 4, 5! Ayun!" nakatayo ngayon si Anna sa harap ng isang kulay puti na gate at sa loob nito ay may 2 floors na bahay na kulay puti rin. "Mukhang walang tao."
*Ding! Dong! Ding! Dong!
Pinindot ni Anna ang doorbell ngunit walang sumasagot. Nag-doorbell pa siya ng paulit-ulit ngunit wala talagang tao, kaya naman naisipan niyang maghintay nalang sa labas ng bahay.
---------
TYLER'S POV
"Yes Sir. Thank you. Ihahanda ko na po yung mga gamit na kakailanganin ko. Salamat po ulit. Bye!" pinindot ko na ang END button habang naglalakad ako palabas ng Sweet Cafe.
Kanina kasi habang kumakain ako ay biglang tumawag yung kaibigan ni papa sa America na may recording company. Sabi niya narinig daw niya akong kumanta noong nasa B-tech pa ako at ngayon ay gusto niya akong kunin sa Amerika para i-train na maging professional singer. Sino ba naman ako para tumanggi di ba?
Pagkalabas ko ng Cafe ay nakita kong umuulan pala. Nanghiram muna ako sa shop ng payong nila since close ko naman yung may-ari dahil lagi ako dito tumatambay. Nag-umpisa na akong maglakad pauwi sa apartment ko. Walking distance lang naman siya mula rito.
Oo, lumipat narin ako ng tirahan. Pati yung kotse ko ibinenta ko na at bumili na ako ng bago. Pinalitan ko na lahat ng bagay na maaaring makapag-paalala kay Anna.
Sinubukan ko naring makipag-date.
Karamihan ng mga naka-date ko okay naman. Yung mga katangian na hinahanap ko sa isang babae meron sila. Maganda, mabait, understanding, hindi selosa at higit sa lahat may takot sa diyos.
![](https://img.wattpad.com/cover/11852110-288-k427100.jpg)
BINABASA MO ANG
status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)
RomanceSi Tyler, matangkad, gwapo at maputi. Chick magnet! Pero isang babae lang ang gusto niya. Ang childhood friend niya. Pero di niya maamin dito na gusto niya ito dahil natatakot siya na baka mawala yung friendship at wala ding Love na papalit dito...