Chapter 49

349 1 0
                                    

3RD DAY (BARRIO)

TYLER’S POV

“Anna, pinapasabi nga pala ni Nicole na itext mo daw sakanya yung number ni Steven. Di ka daw kasi ngrereply sa mga text niya kaya baka daw hindi mo pa nababasa.”

Nandito kaming tatlo nila auntie ngayon sa kusina. Nag-preprepare kami ng pang-agahan.

“Auntie, pakisabi po kay Tyler na kung sakaling makita niya ulit si Nicole, pakisabi na mahirap kasi ang signal dito kaya di ako nakakareceive ng text.”

‘Hala?! Andito lang naman ako, naririnig ko naman siya, pero bakit pa siya nakikisuyo kay Auntie?’

“Huy! Anna! Tulog ka pa ba? Andito lang ako oh. Bakit ka pa nakikisuyo kay Aunie ng mga sasabihin mo sa akin?”

“Auntie, pakisabi po na gising na gising na po ako at alam ko po na magkatabi kayo.” Nilingon naman ako ni Auntie pero hindi na siya nagsalita. Alam naman kasi niya na naririnig ko lahat ng sinasabi ni Anna.

“Ano namang trip mo? Alam mo naman pala na nandito ako, edi ako ang kausapin mo.” Lumingon naman ulit ngayon si Auntie kay Anna. Para na siyang nanonood ng Volleyball Match. To the left at to the right ang direction ng ulo niya tuwing may magsasalita sa amin ni Anna.

“Auntie, pakisabi po na ayaw ko.” Mukhang alam ko na kung bakit ayaw niya akong kausapin. Style kasi niya yan. Tuwing magtatampo siya o magagalit siya sa isang tao, ganyan ang ginagawa niya. Di ka niya papansinin or di ka niya kakausapin. Malamang tungkol ito sa nangyari kagabi.

“Nababaliw ka na Anna. Bahala ka na kung ayaw mo akong kausapin, hindi naman ako yung nagmumukhang baliw.” Umalis na ako sa kinauupuan ko at pumunta na ako sa kalan. Nagsaing ako ng kanin at pagkatapos ay nagprito ng itlog. Yung pritong kamote na ang susunod kong ipri-prito at si Anna ang nagbabalat nun kaya pinuntahan ko ulit siya.

“Anna, tapos mo na ba yan?” wala na si Auntie sa lamesa kaya akala ko talaga kakausapin na niya ako ng diretso, kaso. . .  .

“Pusa, pakisabi sakanya na pwede na niyan kunin yung mga tapos ko ng mabalatan at mahiwa. May isa nalang akong hindi pa tapos.” Hindi ko napigilang mapatingin sa pusa na ngayon ay nasa ilalim ng lamesa.

“Meow!”

“Tsk! Ganon k aba talaga kagalit sakin at pati pusa, messenger mo na?”

“Pusa, pakisabi oO.”

“Tss! Pusa, pakitanong kung dahil ba ito sa picture?”

“Pusa, pakisabi oO. Ibalik nalang niya sa akin yun para matapos na ito, at pakisabi na wag siyang gaya-gaya!” sakto naman na lumayo na yung pusa.

“Hindi naman talaga kita ibla-blackmail gamit yun eh. Gusto ko lang talga yung picture nay un, okay? At ngayon, wala na si auntie at wala na yung pusa kaya siguro naman kakausapin mo na ako?”

“Hangin, pakisabi na manigas siya! Kakausapin ko lang siya pag binigay na niya yung picture sa akin.”

“Hay! Bahala ka na nga Anna. Hindi ko yun ibibigay sayo dahil on the first place, akin talaga yun. May consent ka pa nga nung nagpicture tayo. Hindi mo man verbally sinabi na OO, pero nag-pause ka naman. Ibig sabihin, ginusto mo rin. Bahala ka, ikaw rin naman mahihirapan diyan sa ginagawa mo.” Kinuha ko na yung kamote at pumunta na ulit sa kusina. Hinding-hindi ko yung ibibigay sakanya.

Pagkatapos mag-agahan, pumunta ako sa likod ng bahay para manungkit ng mangga. Habang nanunungkit ako, napansin ko na may nakasabit na plastic bottle sa isang sanga tapos may nakalagay sa loob nito na. . . . . . . . CELLPHONE?!

status: it's COMPLICATED! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon